Ni minsan, hindi inisip ni Minna na tumapak sa abroad kasama ni Nikolaj at may tsansa pang makakasagupa sila ng mga drug lord o kahit assassin pa roon. Gusto pa niyang mabuhay at makamit ang kalayaang tinatamasa niya. Pero ngayon, wala siyang choice kung ‘di magmadaling pumunta roon. Kasi kapag na-late siya kahit isang segundo baka hindi na niya maabutan ng buhay si Nikolaj.Kanina, nung unang tumawag si Lyndon, ang sabi nito ay hindi naman daw seryoso ang sugat ni Nikolaj at baka mailabas na sa ICU kinabukasan ang lalaki. Nung tinanong siya ni Butler David kung gusto niyang pumunta, biglang napaisip si Minna. “Kung malayo naman pala ang lalaki sa panganib, hindi na siya pupunta roon ‘di ba? Hindi naman siya doktor! Kahit pumunta pa siya, wala siyang maitutulong doon. Tsaka may pasok pa siya bukas, kailangan niya pang mag-aral bago ang kanilang exam. Pero makalipas lang ang kalahating oras, muling tumawag si Lyndon sa kanya.Sa pagkakataong ito, sinabi nito na baka hindi na raw ka
Read more