NAKAHARAP si Emil sa bintana habang panay ang kanyang buga ng usok na lumalabas sa kanyang sigarilyo. "It's just ten years ago... I will get what is mine. And I won't stop until I have her," malumanay niyang bulong sa sarili, habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa dilim sa labas. Napatigil si Emil nang may kumatok sa pintuan ng opisina niya. "Sir Emil, hinahanap po kayo ni Leina..." sabi ng kasambahay na nasa labas ng pintuan. Nagmamadali na naglakad si Emil papunta sa pintuan. Ano kaya ang nangyari sa kanyang inaanak? Pagkabukas niya ng pinto ay andoon pa rin ang kanyang kasambahay. "Nasaan siya?" "Nasa kuwarto po niya. Para pong umiiyak, e," sagot ng kasambahay. "Okay po, manang. Pupuntahan ko na po siya sa kuwarto niya." Napatingin ng makahulugan ang medyo may edad ng babae kay Emil. "Bakit mo ba siya dinala rito sa mansyon, Emil? Marami ka namang ibang puwedeng itira ang babaeng 'yan. Bakit dito pa?" "Manang, pasensiya na po kung hindi noyo nagustuhan ang desisyon
Last Updated : 2025-11-20 Read more