"NAKITA MO BA IYAN? Kainis, bida-bida talaga ang Ana na iyan eh!" galit na wika ni Vianna Claire. Nasa kwarto siya ng kakambal niyang si Carlito at mula sa kanyang kinatatayuan, natatanaw niya ang mga kaganapan sa garden ng bahay Si Ana, yakap ng Mommy Valeria niya habang si Jewel Letezia naman ay nasa bisig ng Daddy Carlos niya. Lalong umusbong ang matinding selos sa puso ni Vianna Claire. Simula pa kanina, alam niyang mas malapit ang Mommy niya sa Ana na iyun at nagseselos siya.... "Carlito, baba tayo. Sinulo na talaga ng Ana na iyun si Mommy eh." muling wika ni Vianna at pagkatapos noon, mabilis na siyang lumabas ng silid Direcho siya ng garden at kaagad na lumapit sa Mommy Valeria niya. "Mom!" "Oh, Vianna , akala ko nagpapahinga na kayo ni Carlito? Teka lang, may gusto ba kayong inumin?" nakangiting sagot naman ni VAleria sa anak. Kaya lang, umiling lang ng makailang ulit si Vianna. Matalim ang mga matang tinitigan si Ana bago nagsalita "HIndi po ako makatulog, M
Read more