VALERIA FUENTES POV “Masyado nang nakakapagod ang buhay,” narinig kong wika ni Carllos, mahina na ang boses, halatang pagod. “May mga anak na tayo, lahat-lahat… pero hindi ko pa rin ramdam ang pagpapatawad mo.” Hindi ko naman mapigilan ang matawa, isang mapait at pilit na pagtawa. “Carlos,” marahan kong sambit, pero matalim ang laman ng bawat salita, “ikaw na rin ang may sabi, may mga anak na tayo and you know what, I felt sorry for our kids dahil hindi ko kayang ibigay ang kumpletong pamilya na nais nila….” Hindi naman ito nakaimik. Napatingin ako sa kanya nang diretso, walang pag-aalinlangan. “And besides,” dagdag ko, “ikakasal ka na. Magkaroon naman tayo ng kahit na kaunting decency.” Saglit siyang natigilan. Para bang may kung anong bumagsak sa pagitan naming dalawa, isang mabigat, hindi nakikitang pader na matagal nang nakatayo. Ngunit sa pagkakataong ito, mas malinaw na mas matibay na iyon. “Valeria…” muli niyang tawag, ngunit mas mahina na, mas puno ng pagsus
Read more