VALERIA FUENTES POV ''CARLOS, kung ayaw mo ng gulo..kung ayaw mo ng eskandalo, umalis ka na. Umalis ka na!" galit kong sigaw dito Nakita ko ang pait sa mga mata nito habang nakatitig sa akin. Alam kong nasaktan ito sa pagtaboy ko pero, paano ko pagkakatiwalaan ang isang kagaya niya? Nakatulog lang ako saglit, pinasok niya ako dito sa loob ng kwarto ko? Paano kung hindi ako nagising? Paano kung natuloy niya ang kung ano ang balak niya sa akin? Gosh, ayaw ko nang bigyan ng chance na muling makapasok itong si Carlos sa buhay ko. Natatakot akong baka sa susunod, hindi na ako makabangon muli Kailangan kong maging matatag...lalong lalo na at hindi lang ang sarili ko ang dapat kong isipin. Dapat ko ding isipin ang mga anak ko. "I'm sorry, alam kong mali ang nagawa ko at nahihiya ako sa iyo, Valeria. Hayaan mo, ito na ang huli...ngayung napatunayan ko nang wala na nga pala talaga akong halaga sa iyo, kusa na akong lalayo. HIndi na kita guguluhin pa kahit na kailan." seryoso nito
Read more