ELLISON MANSION…Nakahiga si Psyche sa malambot na kama na parang ulap ang lambot—Italian silk sheets, custom-made mattress, at banayad na amber light mula sa crystal lampshade. Pero kahit gaano pa kaluxurious ang paligid, hindi pa rin siya dalawin ng antok. Pabaling-baling siya, tila mas mabigat pa ang mga iniisip niya kaysa sa katawan niyang pagod.Pumasok sa isip niya si Nathalie.Si Harrison.At ang nakaraan na pilit niyang ikinukubli sa pinakamalalim na sulok ng puso niya.Naalala niya noon—noong si Nathalie pa ang girlfriend ni Harrison. Masyadong mainit ang dugo nito sa kanya. Hindi man lantaran, pero ramdam niya. Isang taas ng kilay. Isang malamig na tingin. Isang mapanirang bulong sa likod niya. Worst of all, sinisiraan pa siya nito sa mga kakilala ng Lolo Ramon niya—na para bang isa lang siyang sagabal sa perpektong mundo nila.Masakit. Tahimik. Pero tiniis niya.Hanggang sa malaman iyon ng kanilang Lolo Ramon.Hindi niya makalimutan ang galit sa mga mata ng matanda noon—gal
Última actualización : 2026-01-14 Leer más