Natigilan si Zoe. Hindi niya inaasahan na kahit may posibilidad na anak nila si Athena, hindi pa rin magagawa ng mga Valderrama na magbulag-bulagan. It’s clear: justice over bloodline.Sa gitna ng kaniyang gulat, naramdaman ni Zoe na may nakatingin sa kaniya. Paglingon niya, nakita niya si Doña Soledad na dahan-dahang itinu-tulak ng katulong palabas. Halatang galing ito sa iyak at hindi pa tuluyang kalmado, pero ang tingin nito kay Zoe ay nananatiling malambot at mapayapa.Para itong isang invisible hug na dahan-dahang nagpapakalma sa kumakabog na dibdib ni Zoe.Sina Athena at Solenn naman, halos malaglag ang panga. Hindi nila inasahan ang plot twist na ito. Akala nila, once na Clarisse na ang label kay Athena, talo na si Zoe.Tumingin si Solenn kay Beatrice, puno ng pagtataka. "Ate, kung siya nga talaga si Clarisse, seryoso ka ba na gagawin mo 'to sa kaniya?"Inakala ni Solenn na sa tindi ng pangungulila ng mga Valderrama kay Clarisse, agad nilang tatanggapin si Athena nang walang ta
Read more