Fia pov Halos sumabog ang dibdib ko sa sobrang tuwa nang makita ko silang papalapit. Sa wakas... nandito na si David. Nasa bisig na siya ni Mijo, nakangiti at maaliwalas ang mukha st walang sakit, walang takot, at higit sa lahat, kasama ko na ulit siya. Agad ko siyang inilapit sa akin at niyakap nang mahigpit, parang ayaw ko na siyang pakawalan kailanman. Ang init ng katawan niya, ang amoy niya, ang malakas na tibok ng puso niya... lahat iyon ay nagbigay ng kapayapaang matagal ko nang hinahanap. Ito lang naman ang hinihiling kona makapiling ang anak ko, na makita siyang maayos at ligtas. Tumingin ako kay Mijo, puno ng pasasalamat ang mga mata ko. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan namin, sa kabila ng sakit at lamat na bunga ng mga pagkakamali niya, malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil tinupad niya ang pangako niyang iuwi si David. “Salamat, Mijo,” tapat na sabi ko, mahina pero malinaw ang boses. “Maraming salamat sa pag-uwi sa kaniya... sa pagpayag na magkasama na
더 보기