Islaine's Point of View Lumabas ako ng kuwarto at nakita si Uncle Nereus sa may mesa na inaayos na naman ang radyo. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang nakitang inaayos ito. Paiba-iba rin ng area sa radyo ang inaayos niya, minsan ang nasa likuran, sa may harapan, sa lagayan ng battery, at sa may antenna. “Nasira na naman?” tanong ko at napaupo sa tapat niya. Ngayon ay ibinabalik na niya ang screws sa likuran ng radyo. “Hindi gumagana ang isang speaker kanina. Pero ngayon, maayos na,” sagot niya at napangiti, satisfied sa ginawa niya. Pinagmasdan ko lang siyang i-secure ang katawan ng radyo. “Where did you learn how to fix it?” nagtatagpo ang kilay kong tanong. I know that we rarely see each other before, but there never was a time that I have seen him work on something like this or any signs at their mansion that he's a bit of a technician. “Or, is it a man thing?” “It's not a man thing,” kaagad niyang sagot, mabilis na napasulyap sa akin, bago ibalik ang tingin sa
Read more