Islaine's Point of View Katatapos ko lang manalamin sa labas at nang pumasok ako sa kuwarto, naroon na si Uncle Nereus. Nakaupo siya sa higaan, nakasandal sa plywood na dingding, habang nakainat ang mga binti na natatakpan ng kumot. Wala siyang suot na damit, bagay na mas naging madalas na. Mayroon siyang hawak na librong halatang napaglipasan na ng panahon. Sa ilang buwan kong pagtira rito kasama siya, ngayon ko lang siya nakitang magbasa. At ngayon ko lang din nalaman na may libro pala rito. “Never expected that you would love reading a romance book,” saad ko at saka hinawi ang aking buhok papunta sa sa kanang balikat ko. “It's not a romance book,” aniya at ipinakita sa akin ang cover ng libro. It's no use, I couldn't read its title. Parang nabasa at nagkayupi-yupi na iyon dahil sa kalumaan. “Smaller and Smaller Circles. It's a contemporary Filipino crime detective novel. My favorite. Actually, ilang beses ko na itong nabasa. Akala ko nga nawala na 'to, nakita ko kanina sa ilalim
Read more