Islaine's Point of View Pagkatapos naming kumain ni Uncle Nereus, ilang minuto muna kaming nagpahinga, bago niya napagdesisyunang gumawa na kami ng bonfire. Palalim nang palalim ang gabi at mas lalong lumalamig. Habang naglalakad papunta sa may bangka si Uncle Nereus, ako naman ay nagtitingin sa paligid. Kinuha ko ang nasa apat na maliit na sanga ng puno para naman magamit iyon, kahit na may panggatong kaming dala. Nakangiti si Uncle Nereus, habang bitbit ang panggatong. Nang malapit na sa akin, ibinagsak niya sa harapan ko ang dalawang bundles ng panggatong na dala namin. “This will help para may liwanag at mabawasan ang lamig,” aniya at napaupo para tanggalin ang pagkakatali ng mga panggatong gamit ang isang maliit na kutsilyo. Sana nga. Kasi kahit pinang-ibabaw ko na ang suot niya kanina na long sleeves, tumatagos pa rin ang lamig. Siya naman ay naka-simpleng tank top, kung kaya'y sa aming dalawa, alam kong mas nilalamig siya. “We could just cuddle,” wika ko at tinulungan siy
Read more