Gusto ko na lang lumayas si Locke sa mansyong ito kahit na kanila naman ito. Naiinis kasi ako dahil sa tuwing magpapakita ito sa akin, may nangyayari sa akin na hindi maganda.Katulad na lang ngayon, kunot ang nito noo at nagliliyab ang mga mata. Batid mong may gagawin itong hindi kanais-nais sa paraan pa lang ng tingin niya. Sa tuwing nasa malapit ko rin siya, batid kong malapit din ang panganib sa akin.Umismid ako rito.“Naghihiwa,” walang buhay kong sagot.Mabilis din akong lumayo sa lalaking katabi ko dahil baka marinig pa ni Locke kung ipagpapatuloy ko pa ang pagtatanong ko.“Really, huh?” ani nito. Hindi naman nakatakas sa aking pandinig ang panunuya sa boses nito.Inikot ko ang mga mata ko. Ibalik ko ang atensyon ko sa mga hinahiwa ko at hindi binigyan pansin si Locke.Really-really pa ito. Kung ayaw niyang maniwala, ‘di huwag! Umalis siya rito at bumalik sa kwarto niya!”Put that down and go to your work,” wika nito pero binalewala ko lang siya.Dahil abala ako sa paghihiwa,
최신 업데이트 : 2025-12-01 더 보기