Hindi ko gustong sumama si Locke sa amin. Bukod sa ayaw ko nga itong kasama, paano ko maibebenta ang ninakaw ko kung kasama siya? Paano ko maibebenta ang relo at kwintas niya?!Makikita nito ang ibebenta ko kapag sumama siya sa amin!Mabilis akong sumunod kay Locke, hinila ko ang kamay nito. Pero dahil sa sobrang lakas niya, ako ang natangay niya sa halip na siya ang tangayin ko.“Tang ina…” mahina kong usal.Muntik na kasi akong makipaghalikan sa lupa kung hindi lang ako nasapo ni Locke sa isa niyang kamay!Mabilis akong humiwalay rito. Inayos ko ang bistida ko kahit na hindi naman talaga ako nadapa.“I’ll go with you, Talitha. No buts,” malamig nitong sabi kahit na hindi pa naman ako nagsasalita. “Get in my car. I’ll drive.”Suminghap ako.Anong car pinagsasabi nito? Mag je-jeep lang kaya kami!Napakamot ako ulit sa noo ko. Na stress na ako rito sa boss kong hibang!“Pero, Sir, iyang damit n’yo kasi…”“What about my clothes?” kunot-noo nitong tanong.Tinignan niya ang damit namin ni
최신 업데이트 : 2025-12-18 더 보기