Hindi ko mapigilang mapangisi habang naglalakad kami sa buhangin patungo sa tubig. Nasa gitna ako ng apat na mokong na kung makatawa ay parang wala nang bukas, habang sa likuran namin ay rinig ang mabibigat na yabag ni Locke. Ramdam ko ang kaniyang masamang tingin na nakatusok sa likod ko, pero mas pinili kong huwag siyang lingunin. “Is Locke really joining? I thought he hated shells because they remind him of his childhood,” mahinang wika ni Reed sa tabi nang tumigil sila sa pagtawa. “Maybe Locke wants to forget his bad memories of shells,” hula naman ni Carter. Kumunot ang noo ko sa usapan nila. “I’ve never forgotten that he doesn’t want to go to the beach because he hates seeing shells. Akala ko nga ay hindi talaga siya pupunta nang iimbitahin ko siya, but I’m wrong,” singit ni Darien “Maybe Carter is right. He wants to forget his past, and the first step is to see a shell,” sambit naman ni Lucian. “Or maybe not…” Napabaling sa akin si Carter. “Maybe there’s just som
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-18 Mehr lesen