Share

Chapter 11

Author: Kulalaiii
last update Last Updated: 2025-12-01 23:24:38

Gusto ko na lang lumayas si Locke sa mansyong ito kahit na kanila naman ito. Naiinis kasi ako dahil sa tuwing magpapakita ito sa akin, may nangyayari sa akin na hindi maganda.

Katulad na lang ngayon, kunot ang nito noo at nagliliyab ang mga mata. Batid mong may gagawin itong hindi kanais-nais sa paraan pa lang ng tingin niya. Sa tuwing nasa malapit ko rin siya, batid kong malapit din ang panganib sa akin.

Umismid ako rito.

“Naghihiwa,” walang buhay kong sagot.

Mabilis din akong lumayo sa lalaki
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 47

    Nanatili akong nakatayo sa tapat ng pinto ng silid ni Luther, pinagmamasdan ang dulo ng pasilyo kung saan naglaho ang pigura ni Tita Kelly. Ang kaniyang huling banta ay tila isang malamig na hanging dumaan sa aking batok. Katulad ng aking nanay? Ano ang ibig niyang sabihin? Ang pagkakakilala ko kay Nanay ay isang simpleng babae na nagsikap para sa akin, malayo sa mapait na paglalarawan ni Tita Kelly. O mayroon pa akong hindi nalalaman sa kanya? Sa halip na bumalik sa kuwarto para magmukmok, mas pinili kong bumaba. Kailangan kong makahanap ng sagot, at kung hindi ko iyon makukuha sa mga Salvador, kukuha ako sa mga taong nakakakita sa bawat sulok ng mansyong ito—ang mga kasambahay. “Hija, bakit ganyan ang suot mo?” Napatigil ako nang makasalubong ko sa may kusina si Aling Nena. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala habang tinitingnan ang suot kong malaking long-sleeved shirt ni Locke. “Aling Nena, may itatanong lang po sana ako,” seryoso kong bungad. “Kilala niyo po ba ang

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 46

    Nagising ako na wala na ang mga punit na saplot kong gumapos sa aking mga kamay at paa. Nakahiga rin ako nang maayos sa kama at may takip pang kumot, ngunit ang tanging sumalubong sa akin ay ang nakabibinging katahimikan ng silid. Ako lang ang mag-isa. Dahan-dahan kong tiningnan ang aking katawan sa ilalim ng kumot at nang makitang may saplot na ako, mabilis akong umupo. Naramdaman ko ang bahagyang hapdi sa aking katawan, isang paalala ng bawat sandali ng kaniyang pag-angkin kagabi sa akin. Inilibot ko ang aking paningin, nagbabakasaling nasa loob pa ng kaniyang kuwarto si Locke, pero wala akong makitang bakas niya. Tanging ang amoy ng kaniyang pabango na humalo sa amoy ng nagdaang gabi ang naiwan sa paligid. Bumuntonghininga ako. Tila may mabigat na kamay na dumiin sa dibdib ko—isang pamilyar na bigat na tila gustong gisingin ang isang emosyong hindi ko dapat nararamdaman. Mabilis ko naman itong binalewala at pinalitan ng pait sa aking mga labi. Tumayo ako at kahit ramdam

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 45

    Inilibot ni Locke ang kaniyang tingin sa kabuuan kong walang saplot. Tila ba bawat kurba ng aking katawan ay kaniyang kinakabisado, tinititigan ako nang may halo-halong poot at pagnanasa na tila ba ako ang kaniyang pinakamahalagang biktima. Ang kaniyang titig ay tila sapot ng gagamba—marahan, malagkit, at mahirap takasan. “Galit ka ba talaga, Locke? O natatakot ka lang na baka mas makuha ko ang atensyon ng Dad mo kaysa sa iyo?” pang-aasar ko kahit na ramdam ko na ang panginginig ng sarili kong boses. Isang madilim na ngisi ang gumuhit sa kaniyang mga labi, ngunit hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata na nananatiling nakapako sa akin. Humakbang siya palapit, sapat na para maramdaman ko ang init na nagmumula sa kaniyang katawan at ang kaniyang mabigat na hininga sa aking balat. “Huwag mong subukan ang pasensya ko gamit ang pangalan ng matandang ‘yon, Talitha,” bulong niya, ang boses ay paos at puno ng panganib. “Dahil sa gabing ito, kahit isigaw mo ang pangalan niya, walang makak

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 44

    “Anong testing your patience? Kumakain lang kami,” sagot ko. Hindi nawala ang ngisi sa aking labi.Naging mas madilim ang mukha ni Locke dahil sa sagot ko. Kung nakakamamatay lang ang mariin niyang tingin, malamang ay kanina pa ako nakahandusay. Ramdam ko ang kuryente ng galit na nagmumula sa kaniya, ngunit sa halip na matakot, mas lalo akong nag-enjoy na makita siyang nawawalan ng kontrol.“Locke, son, don’t be so dramatic,” sabat ni Luther Salvador habang dahan-dahang hinihiwa ang kaniyang steak, tila ba balewala sa kaniya ang nagbabagang tensyon ng kaniyang anak. “Talitha is delightful company. Masyado mo namang pinapagod ang bata sa library kaya niyaya ko muna siyang mag-dinner.”Lalong nagtagis ang panga ni Locke. Humakbang siya palapit sa aming mesa, ang anino niya ay dambuhalang lumukob sa aming dalawa ng kanyang ama. “She is a maid, Dad. Not a guest,” malamig na bawat salita ni Locke. “And besides, aren’t you ashamed of what you’re doing? What if Mom finds out?”“Anak, we’re

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 43

    Mabuti na lang at dinalhan ako ng pagkain ni Bryan kanina. Kaya kahit hindi ako maghapunan ay ayos lang. Mag-aalas-sais na rin at bibilisan ko na lang ang paglilinis para makapagpahinga na ako.Iyon ang akala ko…Akala ko ay mabilis lang ako matatapos, pero halos manlumo ako dahil sa unang beses ko pa lang na pagpasok sa library ay nalula ako.Napakalaki ng library!Ang bawat estante ay umaabot hanggang kisame, punong-puno ng mga makakapal na libro na tila ba dambuhalang pader na nagkukulong sa akin sa silid na ito. Ang amoy ng lumang papel at alikabok ay humahalo sa lamig ng aircon, na nagbibigay ng kakaibang kilabot sa aking balat. Napabuntong-hininga ako habang hawak ang basahan. Kung iisa-isahin ko ito, baka abutan na ako ng madaling-araw rito.Mukhang hindi ako makakapagpahinga nang maaga katulad ng nais ko. Ang walang hiyang Locke na ‘yon! May araw din siya sa akin!Hindi na ako nag-atubili pa at ginawa kong motibasyon ang galit at inis ko kay Locke para mas ganahan pa sa pagli

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 42

    Ang galit at pait ay mabilis na gumapang sa aking sistema pagkatalikod ko kay Locke, pero walang luha na lumandas sa aking pisngi o bakas ng paghihina. Dahil ang mga salitang kasingtalas ng patalim na lumabas sa bibig ni Locke ay gagawin kong sandata upang mas lalo pang tumaas ang pader na minsan niyang napaguho. Akala siguro nitong si Locke ay madadaig niya ako sa mga salita niya? Pwes! Ipapakita ko sa kanya na mas determinado akong gawin ang lahat ng ipapagawa niya kaysa makita niya akong nagmamakaawa sa kanya!Hawak ang mahabang brush at timba, nagtungo ako sa swimming pool na may mabigat na mga paa at galit na mga mata. Uunahin ko muna ang linisin ang tiles na naroon bago ko linisin ang tubig na nasa swimming pool. Nakailang kuskos pa lang ako sa tiles nang maaninag ko si Locke sa balcony ng kanyang kuwarto. Nakadungaw siya sa akin habang may hawak na baso ng alak.Harap-harapan akong umirap rito nang magtama ang aming mga mata. Masunog sana ang baga mong lintek ka! Sa kalagit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status