* CHAPTER 1 JAMES“Sir, nandito na po ‘yung nag-aaply na nanny,” sabi ni Maya na aking secretary, habang kumakatok sa pinto.“Let her in.”Pumasok ang babae—payak ang suot, pero agad kumapit sa atensyon ko ay ang kagandahan nito at may tapang sa postura. Parang hindi bagay sa pagiging yaya, pero hindi ko na inusisa.“Good morning, Sir James,” magalang na sabi niya. “Ako po si Rose Sandoval.”“Rose,” ulit ko. “Ikaw ‘yung nag-apply para kay Precious?”“Opo, sir.”Pinagmasdan ko siya sandali. Hindi mukhang mahirap, pero hindi rin mukhang sanay sa luho. May kung anong misteryo sa kilos niya.“Experience?” tanong ko.“Marunong po ako mag-alaga ng bata. Marunong din ako magluto, magsaing, maglinis… kahit ano po, sir.”“Hindi ko kailangan ng tagalinis,” putol ko. “Gusto ko ‘yung kayang pakisamahan si Precious. She's six years old but handful. Madalas siyang… matigas ang ulo.”“Malilikot po kasi ang mga bata sa ganyang edad, sir,” sagot niya. “Hindi po sila mahirap pakisamaham, kailangan lan
최신 업데이트 : 2025-11-28 더 보기