Mag-log in
* CHAPTER 1
JAMES“Sir, nandito na po ‘yung nag-aaply na nanny,” sabi ni Maya na aking secretary, habang kumakatok sa pinto.
“Let her in.”
Pumasok ang babae—payak ang suot, pero agad kumapit sa atensyon ko ay ang kagandahan nito at may tapang sa postura. Parang hindi bagay sa pagiging yaya, pero hindi ko na inusisa.
“Good morning, Sir James,” magalang na sabi niya. “Ako po si Rose Sandoval.”
“Rose,” ulit ko. “Ikaw ‘yung nag-apply para kay Precious?”
“Opo, sir.”
Pinagmasdan ko siya sandali. Hindi mukhang mahirap, pero hindi rin mukhang sanay sa luho. May kung anong misteryo sa kilos niya.
“Experience?” tanong ko.
“Marunong po ako mag-alaga ng bata. Marunong din ako magluto, magsaing, maglinis… kahit ano po, sir.”
“Hindi ko kailangan ng tagalinis,” putol ko. “Gusto ko ‘yung kayang pakisamahan si Precious. She's six years old but handful. Madalas siyang… matigas ang ulo.”
“Malilikot po kasi ang mga bata sa ganyang edad, sir,” sagot niya. “Hindi po sila mahirap pakisamaham, kailangan lang nila ng taong may pasensya.”
Napataas kilay ko. “Sigurado ka?”
“Opo.”
“May problema ba sa family name mo?” usisa ko. “Sandoval. Saan ka galing?”
“Probinsya po, Quezon province. Mahirap lang po talaga kami,” mabilis niyang sagot.
Tumango ako. I will let my men handle the background check on her.
“Halika. Introduce kita kay Precious.”
Naglakad kami palabas ng opisina ko. Tahimik siya, pero pansin kong alerto ang kilos—parang sanay sa peligro. Pero bakit?
Pagpasok namin sa playroom, nakita namin si Precious na nakatayo sa mini cabinet, pilit inaabot ang stuffed unicorn. Hindi na ako nagulat pa kaya nga pinasadya ko na makapal na carpet ang pinalagay sa mga playroom niya dahil malikot ito.
“Daddy!” reklamo niya. “Ayaw maabot!”
“Come here,” sabi ko, pero hindi siya lumapit. Nakatingin siya kay Rose.
Lumapit si Rose, mabagal at hindi nananakot. “Pwede ko bang abutin ‘yan para sa’yo, Precious?”
Umismid ang bata. “Sino ka?”
“Yaya mo,” sagot ni Rose. “Pero mas okay kung maging friends tayo.”
Tumingin si Precious sa kanya, seryoso. Ilang segundo lang—tumango ang bata.
Muntik akong hindi makapaniwala. Wala pang dalawang minuto, may connection na agad sila.
Kinuha ni Rose ang unicorn at iniabot kay Precious.
“Ayan,” sabi niya. “Huwag ka na umakyat diyan, baka malaglag ka.”
“Opo…” mahina pero masaya ang boses ni Precious.
They start to play a little while I watch. Rose is good with my daughter. She can handle my daughter's talkative nature.
Naglakad kami palabas ng playroom at saka lang ako nakapagsalita.
“How did you do that?”
“Normal lang po ‘yun, sir,” sagot niya. “Kailangan lang nila ng atensyon.”
“Maswerte ka lang,” sabi ko.
“Hindi po ako naniniwala sa swerte,” sagot niya. “Trabaho lang.”
Tahimik ako sandali. Lumalalim ang interes ko sa kanya nang hindi ko sinasadya.
“You’re hired, Rose.”
Napangiti siya, simple pero may dating na hindi ko maipaliwanag. “Salamat po, Sir James.”
Habang naglalakad siyang pabalik kay Precious, doon ko lang napansin kung gaano ka-gaan ang kilos niya, pero may lakas sa bawat hakbang.
At may isang bagay na pumasok sa isip ko—na hindi ko dapat iniisip.
She’s trouble. At hindi ko alam kung anong klaseng trouble.
-------
Pagkatapos ng meeting ko sa opisina, sinalubong ko silang dalawa sa lobby. Nakaalalay si Rose kay Precious, hawak kamay, pero nakangiti ang anak ko—isang bagay na bihira kong makita tuwing may bagong nanny.
“Ready ka na, Precious?” tanong ko.
“Opo, Daddy! Kasama ko si Yaya Rose, ha?”
“Kasama siya,” sagot ko. “Let’s go.”
Pagdating namin sa kotse, si Precious agad ang nagdikta.
“Dito si Yaya Rose sa tabi ko!”
Nagkatinginan kami ni Rose. Tumango siya, halatang nahihiya. “Kung okay lang po sa inyo, sir.”
“Fine. Sige, sa tabi mo,” sabi ko.
Umupo siya sa likuran, at halata kong tinutulungan niya si Precious isuot ang seatbelt.
“Ay, wag mo masyado higpitan,” sabi ni Precious.
“Oo, oo. Saktong higpit lang,” sagot ni Rose habang inaayos ito.
Napangiti ako nang hindi niya napapansin.
Wala pang dalawang oras, at nakukuha na agad niya ang loob ng anak ko.
Impressive.
Habang umaandar ang sasakyan, maririnig ang tawa ni Precious.
“Yaya Rose, marunong ka po ba mag-drawing?”
“Konti lang,” sagot niya.
“Ay hindi! Dapat marunong ka! Turuan mo ako mamaya!”
“Sige, turuan kita.”
Nilingon ko sila saglit sa rearview mirror. Nakayakap si Precious sa braso ni Rose, parang matagal na silang magkakilala.
“Rose,” sabi ko. “Wala pa bang batang nagpaiyak sa’yo?”
Umangat ang tingin niya sa salamin. “Ay, meron po. Pero hindi si Precious.”
“Ngayon ka pa lang nag-aalaga sa kanya,” sabi ko.
“Makulit po ang anak n’yo, pero hindi siya masama,” sagot niya. “Nasasanay lang po ako sa mga batang mas matigas ang ulo.”
“Mas matigas pa kay Precious?” tanong ko.
“Opo. Ako pa nga po ang napaiyak dati,” natatawa niyang sagot.
Napatawa ako nang bahagya. “Ikaw? Napaiyak?”
“Oo po. Sinabuyan ako ng gatas. Mainit-init pa.”
Natawa si Precious. “Ako hindi ko gagawin ‘yon sa’yo, Yaya.”
“Salamat,” sagot ni Rose, kunwari seryoso.
Pagdating namin sa mansyon, nagulat si Rose. Hindi man siya nagkomento, ramdam ko ang konting tensyon sa katawan niya.
“Pasok,” sabi ko.
Si Precious ang unang tumakbo papasok.
“Yaya! Dito ka! Dito tayo maglaro!”
Inihatid ko sila ng tingin habang tumatakbo si Precious at hinahabol ni Rose na parang sanay sa bata. May lambing sa bawat kilos niya—pero may bilis din, parang sanay tumakbo kapag kailangan.
“Yaya Rosee!” tili ni Precious. “Dito!”
“Ay teka lang, huwag kang masyado mabilis!” habol niya.
Hindi ko naiwasang ngumiti. Sa unang pagkakataon, walang sumisigaw. Walang umiiyak. Walang sumusuko.
“Sir,” biglang sabi ni Mang Erning, isa sa mga guard. “Mukhang swabe ‘yung bagong yaya.”
“More than swabe,” sagot ko. “Precious likes her.”
“At kayo, sir? Mukhang gusto n’yo rin.”
Tumingin ako sa kanya nang masama. “Guard ka, hindi psychic.”
Tumawa lang si Mang Erning.
Pinagmasdan ko pa si Rose, na ngayon ay buhat-buhat si Precious habang umiikot sa sala.
Hindi ko alam kung bakit ganun ka-gaan ang presensya niya sa bahay. O bakit parang mas kumalma ang paligid nang dumating siya.
At hindi ko maiwasang isipin—
This woman might last longer than the others.
Or worse. She might get too close.Kinagabihan, matapos ko ihatid si Precious sa kwarto niya at masilayan ang anak kong nakangiti habang nagkukuwentuhan sila ni Rose, doon ako bahagyang nakahinga. Bihira ‘yon.
Pagbalik ko sa sariling kwarto, nagsisimula pa lang akong maghubad ng polo nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Franco, my best friend and business partner.
“Sasabog na naman ba negosyo mo?” pabiro kong sagot, pero ramdam ang bigat sa tono ko.
“James…” mahinang sagot ni Franco, pero puno ng tensyon. “Bro, may problema.”
Nanlamig ang batok ko. “Ano na naman?”
“May nawawala sa shipment na dumating noong isang linggo.”
Napatuwid ako ng tayo. “Hindi pwede ‘yan. Paanong nangyari? "
“Bro, hindi nag-report agad ang tauhan ko sa takot. This is not good, bro.”
“Takot?!” napalakas ang boses ko. “Ano’ng klaseng gago—”
“James…” bulong niya. “Shipment ‘yon ng Dragon Z Empire.”
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Napakuyom ako ng kamao ko. Ramdam ko ang galit na umakyat hanggang leeg. Dragon Z Empire. Hindi sila basta-basta. Hindi sila pinaglalaruan. Hindi sila pinapagalit.
“ANO? Paano tayo nagkaroon ng shipment nila? Iniiwasabg ko nga na ma-envolve sa kanila? At bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin?!” halos pasigaw kong tanong.
“Ngayon ko lang nalaman!” balik ni Franco. “Bro, hindi joke ‘to. Alam mo kung gaano kalaki ang nakataya.”
Napahakbang ako palayo, hindi mapakali. “Gaano kalaki ang nawala?”
“Enough para magalit ang council ng Dragon Z. Hindi lang ang may-ari.”
Napahawak ako sa ulo ko. “Tang ina naman…”
“James…”
“PUT—!” Napasandal ako sa dingding, halos mabitawan ang phone. “Sino? Sino ang may gawa nito? Walang lumalabas na breach sa records ko.”
“Hindi pa natin alam,” sagot ni Franco. “Pero hindi ‘yan gawa ng outsider. Sigurado ako. Someone inside messed up.”
Napakuyom ako ng kamao. Inside. Ang sarili kong tao. Sarili kong opisyal. Sarili kong warehouse crew.
Hindi ko alam kung alin mas mabigat—ang galit ko sa kanila o ang takot na baka dumating ang paghihiganti ng Dragon Z Empire.
“Gagawin nila akong target kapag hindi ko ‘to inayos,” bulong ko.
“Exactly. Kaya kailangan mo kumilos ngayon.”
Huminga ako nang malalim, pero mabigat pa rin ang dibdib ko. Hindi ko mapigil ang paglakad paikot sa kwarto—parang may apoy sa loob ko na hindi maapula.
“Franco, pakikuha lahat ng log ng nakaraang linggo. CCTV. List ng pumasok at lumabas. Lahat.”
“On it.”
“Pag may nalaman ka…”
“Aggressive tayo, James. Hindi pwede malambot dito.”
“I know.”
Saglit kaming natahimik bago siya muling nagsalita.
“James… bro… alam kong nag-aalaga ka ng anak mo. Pero maghanda ka. Pag nagalit ang Dragon Z… walang pinipiling collateral.”
Napapikit ako, kumirot agad ang dibdib ko. Precious. Hindi ko hahayaang madamay ang anak ko.
“I’ll handle it,” sabi ko, mas mabigat kaysa dati ang boses ko. “Hindi ako papayag na may tumira sa pamilya ko.”
Pagkaputol ng tawag, halos sumabog ang ulo ko sa inis. Naglakad ako papunta sa bintana, sinusubukang kumalma.
Sa ibaba, nakita ko si Rose, tahimik na nag-aayos ng mga laruan ni Precious sa veranda. Unti-unting humupa ang galit habang pinagmamasdan siya.
At kailangan kong kumilos bago ako ang maparusahan. Hindi birung banggain ang Dragpn Z Empire kaya nga umiiwas ako sa negosyo nila.
Damn those traitors! They will pay!
JAMES Bandang hapon hinintay ko ang isa ko pang matalik na kaibigan. The front desk receptionist informed me that he is coming. Pumasok si Jeffrey sa opisina, suot ang signature niyang leather jacket, mukhang galing sa bar o galing sa kung anong gulo.“James,” aniya habang tinatanggal ang shades, “narinig ko ang nangyari sa bahay mo.”Napansin kong hindi siya ngumingiti. Rare.“Franco called you?” tanong ko.“Nope. I got my own sources. Usap usapan ngayon sa ating circle ang nangyari. When I confirm it to Franco, I called my people to ask around.” Umupo siya sa sofa. “At pare, this is serious.”Lumapit ako at tumabi sa kanya. Napahilamos ako ng akung mukha at napasandal ako sa sofa. Napabuntong hininga ako ng malalim. “Alam ko. Franco and I are doing our best to find the culprit, especially now that Dragon Z is on my tail. "" I'll do my best to help, " tugon niya. “Ang ayaw ko sa lahat ang nalilinlang tayo. “I thankfully nod at him. " Tulad ni Franco may connection din siya sa und
CHAPTER 7 JAMES IÑIGONagising ako kinabukasan wala na si Rose sa tabi ko. Napatingin ako sa kisame at napabuntong hininga ng malalim. Uminom ako ng alam kasama si Franci at ilan naming kaibigan. Hindi ko namalayan naparami ako ng inom dahil sa problemang kinakaharap ko.Gusto ko lang sana makausap si Rose kaya ako dumaan sa kanyang kwarto. Pero nang makita ko siya kagabi, nawala sa isip ko ang aking sasabihin at muli akong nakagawa ng bagay labas sa panininindigan ko.Yaya siya ng anak ko ngunit hindi ko siya makitang ganoon. I find her presence mysterious and fascinating. Something about her that's makes her stand out. I really need to talk to her.Bumangon ako at lumabas, confident na walang makakitang tauhan ko sa labas dahil nasa second floor kami. Maliban sa tauhan ko sa security room."Tita Rose, can you help me with my hair?"Napahinto ako sa labas ng kwarto ng aking anak, at nakita siyang nakatayo sa harap ng salamin habang nasa closet naman si Rose, mukhang may kinukuha doo
MARGARETTE ( BLUE ROSE )"Dito ka maglunch, anak."Hinalikan ko sa pisngi ang aking ina."I love too, mama but I still need to go somewhere," tugon ko.Napabuntong hininga siya ng malalim. "You're dad, always send you in a mission. I miss having you around!" Reklamo ni Mama na ikinatawa ko."One day, Mama magsasawa ka rin sa presensya ko dito sa bahay. Sa ngayon, kayo na lang uli ni Papa hanggang di pa dumating ang mga apo ninyo."Bunso ako sa apat na magkapatid at lahat kami ay mga babae. May kanya-kanyang pamilya na ang mga kapatid ko ngunit wala ang isa man sa kanila ang ang gustong pumalit kay Papa na maging pinuno ng Dragon Z. They are trained and deadly too but handling all the business underground was an issue. Nang ipinanganak ako, sinigurado ni Papa na bata pa lang ako tinuruan na niya ako sa pakikipaglaban at paghawak ng negosyo. Hindi naman siya nabigo dahil gusto ko ang aking ginagawa. "Your daughter is right, mi amor. I love our peaceful and quite life without the kids
MARGARETTE ROSEFLASHBACK — Don Mariano’s Study Tahimik ang loob ng bahay namin, pero malamig ang hangin ng opisina ni Papa, siDon Mariano Zobel. Nakaupo siya sa high-backed chair, ang kanyang mga kamay ay nakatuhod sa mesa, ang kanyang mukha ay walang ngiti. Malinaw na may pinaplanong malaki.“Margarette,” simula niya, mahinang boses pero puno ng authority. "Mabuti at dumating ka."Hindi ako umatras. “Bakit, Papa?”“May impormasyon ako tungkol sa isang lalaki — si James Ledesma. May-ari ng kompanya na nagwala ng ating shipment. He is clean but I doubt his employees are'nt” Inilahad niya ang iba pang detalye ng magiging misyon ko. Tumigil si Papa at tumingin sa akin ng matalim. “Gusto kong alamin mo kung ano ang totoo—at kung sino ang traydor na naglalakad sa paligid niya.”“Bakit ako po ang pinapadala ninyo? May iba pa namang magagawa yun—” sabi ko, mahinahon kahit gusto magwala dahil sa boring niyang assignment.Ngumisi siya, walang kalakip na kasiyahan. “Dahil ikaw ang pinakamabi
JAMES IÑIGOPagkatapos ng buong araw ng pagsuyod sa mansyon, wala pa ring nahuhuli. Walang mukha. Walang pangalan. Walang direksyon. At ngayon, habang nakatingin ako sa microcamera na nakapatong sa lamesa, parang mas lalo lang akong ginagapos ng sarili kong bahay.“Damn it…” bulong ko.Mas umiinit ang sentido ko sa bawat segundong lumilipas na walang resulta.Natingin ako sa pinto nang may kumatok. "Come in!" “James. Dumating na yung tao ko.”Tumayo agad ako. “Good. Bring him in.”Pagpasok ng lalaki, agad kong na-scan ang hitsura niya. Matangkad, lean, halatang sanay sa deployment. Tahimik pero mabigat ang aura. Disiplina na kahit hindi magsalita, mararamdaman mo.“James, meet Aiden Cruz,” pakilala ni Franco. “Ex-military. Sniper-trained. Walang reklamo, walang palya.”“Aiden,” bati ko.“Sir.” Diretso. Walang arte. Walang yabang.Gusto ko ’to.“Your job is simple,” sabi ko. “My daughter stays alive. No excuses.”Tumango siya agad. “Yes, sir. I’ll treat her like my own.”May laman ang
JAMES IÑIGONagising ako nang magaang ang dibdib—pero may bigat din na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kagabi sa pagitan namin ni Rose, o dahil sa alam kong hindi ako puwedeng maging marupok sa panahong may banta sa paligid ko at sa anak ko.Alas-siyete pa lang pero gising na ako, nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang cellphone. Walang bagong balita. Walang update si Franco. Walang pangalan. Walang suspek.At iyon—ang kawalang impormasyong iyon—mas lalo akong pinapraning.Paglabas ko sa hallway, narinig ko ang pamilyar na tawa ni Precious. Malakas, masaya—ibang-iba sa pagiging sumpungin niya kapag bagong gising. Napabilis tuloy ang hakbang ko.Pagdating ko sa sala, nadatnan ko si Precious na nakaupo sa carpet habang inaayos ni Rose ang buhok niya. Natural ang galaw nila, para bang matagal na silang magkakilala.Pero hindi iyon ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nakita ko kung ano ang hawak ni Precious.Isang maliit na pendant. Metal. Bilog. May naka-engra







