Se connecterMARGARETTE ( BLUE ROSE )
"Dito ka maglunch, anak."
Hinalikan ko sa pisngi ang aking ina.
"I love too, mama but I still need to go somewhere," tugon ko.
Napabuntong hininga siya ng malalim.
"You're dad, always send you in a mission. I miss having you around!" Reklamo ni Mama na ikinatawa ko.
"One day, Mama magsasawa ka rin sa presensya ko dito sa bahay. Sa ngayon, kayo na lang uli ni Papa hanggang di pa dumating ang mga apo ninyo."
Bunso ako sa apat na magkapatid at lahat kami ay mga babae. May kanya-kanyang pamilya na ang mga kapatid ko ngunit wala ang isa man sa kanila ang ang gustong pumalit kay Papa na maging pinuno ng Dragon Z. They are trained and deadly too but handling all the business underground was an issue.
Nang ipinanganak ako, sinigurado ni Papa na bata pa lang ako tinuruan na niya ako sa pakikipaglaban at paghawak ng negosyo. Hindi naman siya nabigo dahil gusto ko ang aking ginagawa.
"Your daughter is right, mi amor. I love our peaceful and quite life without the kids around," sabat ni Papa. Gone the facade of being a mafia boss. Right now he is simple Don Mariano.
Namumula na hinampans ni Mama si Papa sa braso. I love seeing them together kaya hinayaan ko na sila na maglambingan. I silently leave the room at tuloy-tuloy na pumunta sa garahe. I enter my favorite room and change into my Blue Rose outfit; black leather pants and jacket with white crop top that showing my blue rose tattoo in my left tummy. Kinuha ko ang susi ng paborito kong sasakyan. A red and black Ferrari with small dragon emblem in the driver side of the door. Kung sino man ang nakakilala ng emblem na iyan, malalaman nila kung sino ako.
Agad kong pinaharurot palabas ng mansyon ang kotse patungo sa hideout ng aking team.
----
Sa Old Zobel warehouse ang nagsisilbing hideout ko at ng aking grupo. Pagkapasok ko, sinalubong ako ng maliwanag na ilaw at ang apat kong tauhan na busy sa kani-kaniyang screens.
Si Axel; my tech genius, ang unang lumingon. “Boss, you look pissed. Something went wrong?”
“Not really” sagot ko habang naglalakad papunta sa mesa. “Pero may dapat tayong ayusin. Right now.”
Napatigil si Eunice sa pagtatype; my best friend and head of my IT team. “Galing ka sa Don?”
Tumango ako. “Oo. I confronted him about the threat kay Precious at tungkol sa pendant. At malinaw niyang sinabi—hindi siya ang nagpadala ng threat, hindi rin siya ang naglagay ng mensahe.”
“Which means,” singit ni Rina; my field asset and shifter. She can easily blend anywhere without being notice, “someone else is targeting Mr. Ledesma and the kid.”
I clenched my jaw. “Exactly. Kaya tayo nandito.”
Binuksan ni Axel ang isa sa mga feed. Lumabas ang Ledesma mansion—hallways, gardens, blinds, lahat naka-tap sa secured monitoring system.
“Boss,” sabi niya, “four nights ago may intruder na pumasok sa property.”
Tumango ako. “I know. Show me the footage.”
Inilapit niya ang clip—isang taong naka-black suit, mabilis, sanay gumalaw, pero walang iniwang fingerprint. Pagkatapos noon lumabas ang close-up ng pendant na naiwan.
Dragon Z. Ang pendant na ako mismo nakakita.
Inilapag ko ito sa mesa para makita ng mga kasama ko. Salitan nila itong tiningnan.
"Anong sabi ni Don tungkol dito?" Tanong ni Eunice.
Hindi ako nagsalita, pero ramdam nila ang pagbabago ng mukha ko.
Lumapit si Dominic sa scanner para pag-aralan ang pendant. “Boss… do you think may koneksyon ito sa—”
“I don’t know.” Pinutol ko. “And I don’t want to assume. Ang gusto ko ay facts.”
Ipinatong ko ang kamay sa mesa at tiningnan sila.
“Kaya makinig kayong lahat.”
Tumahimik ang kwarto at nakinig sila sa akin.
“Unang-una, I want full background checks sa lahat ng tao sa mansion ni Mr. Ledesma. From the cook down to the gardeners. Lalo na ang mga bago.”
“Copy,” agad na sagot ni Rina. This is her forte.
“Pangalawa, si Aiden.” Tumingin ako kay Dominic. “He’s the kid’s direct bodyguard. Mabait. Matalino. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi siya pwedeng maging traitor.”
“Run through his personal history?” tanong ni Dominic.
“Everything,” sagot ko. “Friends, past jobs, mga galaw niya nitong linggo. Lahat ng suspicious na interaction.”
“Yes, boss.”
Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy.
“Pangatlo, hanapin niyo ang intruder na pumasok. Yung paggalaw niya, hindi pang-baguhan. That means higher threat level.”
“On it.” Axel quickly replied
“Pang-apat…” Itinaas ko ang pendant na nasa evidence tray. “Find the owner of this Dragon Z. Use contacts, black market, anything. Pero discreet. No traces.”
“Understood,” sagot nila sabay-sabay.
Umiling si Eunice. “Rose… ang bigat nito. Sino mang nagtratrabaho behind the scenes, hindi small-time.”
“Alam ko.” Kinuha ang pendant sabay lagay sa bulsa ko. “Pero hindi ko hahayaang may makalapit kay Precious. She’s James’ daughter. And”—napahinto ako sandali—“she’s under my protection while I’m in that house.”
Tumango-tango si Dominic at ngumisi. "Watching you take care of the kids, almost makes me forget you are Blue Rose, boss."
“Yes, I almost did too,” sagot ko.
Eunice smirked. “And at night… Blue Rose?”
I shrugged slightly. “Sanay na ako sa double life.”
Binalingan ko ang team ko.
“I won’t be staying here long. I need to get back before anyone notices. Pero tandaan ninyo—this stays between us. Walang leak. Walang mali.”
Axel placed a hand on his headset. “Boss, you got our loyalty. You always have.”
Ngumiti ako ng bahagya—bihirang-bihira.
“Good. Work silently, move fast. Update me every night.”
Tahimik akong tumalikod papunta sa pinto. Pero bago ako lumabas, nagsalita si Eunice.
“Rose.”
Lumingon ako.
“Be careful. James may be the father of the child… pero the threat isn’t coming for him alone. Sometimes the bait is the kid… and the weakness is the woman protecting both.”
Hindi ko iyon pinahalata, pero tumama iyon nang diretso sa akin.
“I know,” sagot ko. “Kaya hindi ako pwedeng magkamali.”
------
Agad akong pinagbuksan ng guard nang makita nila ako sa labas ng Ledesma Mansion. Nagtaxi lang ako mula sa isang hotel na pag-aari ng pamilya ko dahil doon ko iniwan ang aking sasakyan at nagbihis ng panibagong damit.
Bitbit ko ang maliit na paper bag na may stuffed unicorn at ilang gummy candies para kay Precious, nang kumatok ako sa pinto ng kuwarto niya, bumukas iyon bago pa ako makalawa.
“Tita Rose!” sigaw ng bata, sabay yakap sa akin. Hinayaan ko na lang siyang tawagin ako depende sa mood niya
Napangiti ako. “Namiss mo ko?”
Tumango siya agad. "Opo."
"Kumusta araw mo?”
Nagkuwento siya habang inilalabas ko ang pasalubong.
“Thank you po. Nag-drawing po ako! Tapos nag-aral ako ng konti. Tapos… um… si Daddy, umalis.”
“Where?”
“May meeting daw po. Pero okay lang po. Kasama ko naman si Kuya Aiden.” tugon niya habang yakap ang stuff toy na dala ko.
I nodded. “Good. Mabait naman si Kuya Aiden sa ‘yo, ‘di ba?”
“Opo. Pero mas gusto ko kayo.”
Hindi ko mapigilang mapangiti. “Huy, bawal magfavoritism. Secret natin ‘yan, ha?”
Tumango siya na parang nagse-seal ng malaking deal.
Pagkatapos ko siyang ihatid sa kama, at pinatukog lumabas ako ng kwarto. No James. No footsteps. No eyes watching.
Perfect time to breathe.
At bumalik ako sa silid ko, nagsuot ng loose shirt, at humiga. Kinuha ko ang earpiece na ibigay ni Axel sa akin nang una akong pumasok dito. Nakaconnect ito sa mga alarm device na palihim kong inilagay sa buong compound.
Pipikit ko na sana ang aking mata nang marinig ko ang mahinang katok. Bumangon ako, naglakad papunta sa pinto, at binuksan iyon.
Si James.
At nahalata ko agad ang kanyang pulang mata, ang bahagyang pag-awang ng kaniyang button-down shirt, at ang amoy na hindi ko malilimutan — whiskey at pagod. Hindi siya lasing-lasing pero tama lang para maglakas aiya ng loob na kausapin ako dito sa labas ng kwarto ko.
“James?” tanong ko, bahagya kong tinataas ang kilay. “Are you—”
Hindi ko natapos ang aking sasabihin. Hinila niya ako papasok sa loob ng kwarto ko.
Mabilis niyang sinunggaban ang labi ko bago pa ako makapag-react. Hindi ito halik na nag-aalinlangan. Hindi halik ng lalaking nag-iisip.
Ito ‘yong halik na—may hinahanap, may kailangan, may tinatakasan.
Napasandal ako sa likod ng pinto habang hawak niya ang magkabila kong pisngi, halos desperado.
“James—wait—”
“I tried,” sabi niya, malalim, halos ungol. “I tried to ignore this. To ignore you. Pero kanina… habang wala ka… I couldn’t.”
Naramdaman ko ang bigat ng hininga niya sa leeg ko, mainit, magaspang.
“I kept thinking about you,” bulong niya. “Kung bakit parang… masyado kang tahimik. Masyado kang… hindi ko mabasa.”
Hinawakan niya ang bewang ko, malapad ang palad niya, parang sinusubukang pakalmahin ang sarili.
“Damn it, Rose…” napapikit siya habang nakadikit ang noo sa akin. “I don’t know what you’re doing to me.”
At dito—dito nagising ang dalawang parte ko.
Margarette, ang dapat simpleng yaya, dapat umatras. Blue Rose, sanay humawak ng lalaki, sanay umiwas sa emosyon, dapat tumayo nang tuwid.
Pero hindi iyon ang nangyari. Tumapat ang kamay ko sa dibdib niya—hindi para tulak—kundi para damhin ang bilis ng tibok ng puso niya.
Ngayon hindi ako si Margarette o Blue Rose kundi si Rose Sandoval, ang yaya at ang babaeng ibigay ang sarili sa lalaking kanyang nagustuhan. Aamin ko man o hindi, I'm attractive to him.
“James…” sabi ko, mahina. “Bakit ka nandito?”
Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata, namumungay, at puno ng damdamin.
“Because I can’t stay away from you anymore.”
At bago pa ako makaisip ng dahilan, rason, taktika. Hinalikan niya akong muli. Mas malalim. Mas tapat. Mas hindi kayang pigilan.
At sa ikalawang pagkakataon mula nang pumasok ako sa mansion na ito… hindi ako umakto bilang yaya, o bilang Blue Rose—kundi bilang babae na nalulunod sa isang lalaking hindi niya dapat bigyan ng malalim na atensyon.
Mainit ang palad ni James sa bewang ko, sapat para magpadulas sa hininga ko. Sa bawat halik niya, ramdam ko ang pag-igting ng dibdib niya, ang paghingal na hindi niya maitago—para bang buong araw niya itong pinigilan.
“James…” pilit kong sabi habang nakadikit ang kamay ko sa dibdib niya. “This is—”
“—wrong?” bulong niya habang gumuguhit ang labi niya sa gilid ng panga ko. “Alam ko.”
Naramdaman ko kung paanong lumalim ang hawak niya sa baywang ko, hindi marahas, pero parang natatakot siyang lumayo ako.
“Ayaw mo?” tanong niya, halos pabulong, habang nakasubsob ang labi niya sa ilalim ng tenga ko.
At doon ako natigilan.
Ayaw ko ba?
Dapat… oo.
Pero ang lumabas sa bibig ko ay isang hiningang nanginginig.
“James… hindi ko alam.”
Umangat ang mukha niya, tinitigan ako nang malapitan—sobrang lapit na halos sadya niyang pinag-aral ang mata ko, para hanapin kung nagsisinungaling ako.
“Hindi mo ako tinutulak,” mahinang sabi niya.
“Hindi rin kita hinahatak,” balik ko.
Ngumiti siya nang konti—isang mapait, pagod, at gutom na ngiti. “Pero nandito ka pa rin.”
Gumuhit ang mga daliri niya sa gilid ng mukha ko, parang sobrang ingat na baka mabasag ako.
No one had ever touched me like that. Not as Blue Rose. Not as Margarette.
Just… as me.
“Rose…” he whispered, eyes dropping to my lips. “Tell me to stop. One word. I swear, I’ll walk out.”
At doon nag-shiver ang boses niya—hindi dahil lasing, kundi dahil literal na pinipigilan niya ang sarili.
I swallowed hard. Naiipit ako sa dalawang mundong ako rin ang lumikha.
“James…”
His thumb brushed my lower lip gently.
“One word,” ulit niya. “Sabihin mo lang.”
Pero wala lumabas kahit dapat meron. At marahil napansin niya iyon, dahil marahan niyang hinawakan ang balakang ko at inalalayan akong humawak sa balikat niya.
“Okay,” bulong niya. “Then I’ll be careful.”
Naglakad siya papasok, marahan pero may kontrol, at napaatras ako hanggang maramdaman ko ang malamig na gilid ng kama ko. Hindi niya ako tinulak. Hindi niya ako kinabig. Pero bawat galaw niya ay may nangungusap na I want you, but only if you want me too.
When my legs touched the edge, he stopped. Hindi niya ako hinalikan agad. Hindi siya nagmadali. Instead, hinawakan niya ang baba ko at pinaharap ako sa kanya.
“Bakit ka… iba, Rose?” tanong niya, halos pabulong, parang tanong na hindi niya kayang sagutin mag-isa. “Bakit parang… kahit anong gawin ko, gusto pa rin kitang itanong ng paulit-ulit?”
Hindi iyon tanong ng isang amo ko. Tanong iyon ng isang lalaking hindi na mapakali.
Hindi ako sumagot. Hindi ko kaya. Dahil ang sagot ay kasinungalingan at katotohanan na parehas kong hindi pwedeng sabihin.
Kaya ang ginawa ko lang ay ang pinakamali at pinakatapat na tugon— Hinawakan ko ang mukha niya pabalik. At ako ang humalik.
Halos mabasag ang paghinga ni James, at nang maghiwalay kami ng saglit, nakapikit siya—parang nilulunok ang emosyon na matagal niyang tinago.
“Rose…” bulong niya, mas mababa, mas kailangan. “Don’t… stop.”
At doon, hindi na siya naghihintay.
Dahan-dahan niyang itinulak ang labi niya sa akin muli—hindi mabangis, hindi marahas—kundi parang kinukuha niya ang bawat segundong ipinagkait sa kanya ng buong araw.
Ang kamay niya ay umaakyat sa likod ko, marahan, tinitrace ang spine ko, habang ang isa ay nasa bewang ko, inaalalayang huwag akong mawalan ng balanse.
Mainit.
Malumanay.
Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—
ang halik niya…o ang paraan ng paghawak niya sa akin na parang matagal na niya akong hinahanap.
Ngunit hindi iyon naging mahalaga dahik sa ikalawang pagkakataon muli akong bumigay sa sarili kong damdamin. Damdaming hindi ko dapat maramdaman sa mundong aming ginagalawan.
CHAPTER 7 JAMES IÑIGONagising ako kinabukasan wala na si Rose sa tabi ko. Napatingin ako sa kisame at napabuntong hininga ng malalim. Uminom ako ng alam kasama si Franci at ilan naming kaibigan. Hindi ko namalayan naparami ako ng inom dahil sa problemang kinakaharap ko.Gusto ko lang sana makausap si Rose kaya ako dumaan sa kanyang kwarto. Pero nang makita ko siya kagabi, nawala sa isip ko ang aking sasabihin at muli akong nakagawa ng bagay labas sa panininindigan ko.Yaya siya ng anak ko ngunit hindi ko siya makitang ganoon. I find her presence mysterious and fascinating. Something about her that's makes her stand out. I really need to talk to her.Bumangon ako at lumabas, confident na walang makakitang tauhan ko sa labas dahil nasa second floor kami. Maliban sa tauhan ko sa security room."Tita Rose, can you help me with my hair?"Napahinto ako sa labas ng kwarto ng aking anak, at nakita siyang nakatayo sa harap ng salamin habang nasa closet naman si Rose, mukhang may kinukuha doo
MARGARETTE ( BLUE ROSE )"Dito ka maglunch, anak."Hinalikan ko sa pisngi ang aking ina."I love too, mama but I still need to go somewhere," tugon ko.Napabuntong hininga siya ng malalim. "You're dad, always send you in a mission. I miss having you around!" Reklamo ni Mama na ikinatawa ko."One day, Mama magsasawa ka rin sa presensya ko dito sa bahay. Sa ngayon, kayo na lang uli ni Papa hanggang di pa dumating ang mga apo ninyo."Bunso ako sa apat na magkapatid at lahat kami ay mga babae. May kanya-kanyang pamilya na ang mga kapatid ko ngunit wala ang isa man sa kanila ang ang gustong pumalit kay Papa na maging pinuno ng Dragon Z. They are trained and deadly too but handling all the business underground was an issue. Nang ipinanganak ako, sinigurado ni Papa na bata pa lang ako tinuruan na niya ako sa pakikipaglaban at paghawak ng negosyo. Hindi naman siya nabigo dahil gusto ko ang aking ginagawa. "Your daughter is right, mi amor. I love our peaceful and quite life without the kids
MARGARETTE ROSEFLASHBACK — Don Mariano’s Study Tahimik ang loob ng bahay namin, pero malamig ang hangin ng opisina ni Papa, siDon Mariano Zobel. Nakaupo siya sa high-backed chair, ang kanyang mga kamay ay nakatuhod sa mesa, ang kanyang mukha ay walang ngiti. Malinaw na may pinaplanong malaki.“Margarette,” simula niya, mahinang boses pero puno ng authority. "Mabuti at dumating ka."Hindi ako umatras. “Bakit, Papa?”“May impormasyon ako tungkol sa isang lalaki — si James Ledesma. May-ari ng kompanya na nagwala ng ating shipment. He is clean but I doubt his employees are'nt” Inilahad niya ang iba pang detalye ng magiging misyon ko. Tumigil si Papa at tumingin sa akin ng matalim. “Gusto kong alamin mo kung ano ang totoo—at kung sino ang traydor na naglalakad sa paligid niya.”“Bakit ako po ang pinapadala ninyo? May iba pa namang magagawa yun—” sabi ko, mahinahon kahit gusto magwala dahil sa boring niyang assignment.Ngumisi siya, walang kalakip na kasiyahan. “Dahil ikaw ang pinakamabi
JAMES IÑIGOPagkatapos ng buong araw ng pagsuyod sa mansyon, wala pa ring nahuhuli. Walang mukha. Walang pangalan. Walang direksyon. At ngayon, habang nakatingin ako sa microcamera na nakapatong sa lamesa, parang mas lalo lang akong ginagapos ng sarili kong bahay.“Damn it…” bulong ko.Mas umiinit ang sentido ko sa bawat segundong lumilipas na walang resulta.Natingin ako sa pinto nang may kumatok. "Come in!" “James. Dumating na yung tao ko.”Tumayo agad ako. “Good. Bring him in.”Pagpasok ng lalaki, agad kong na-scan ang hitsura niya. Matangkad, lean, halatang sanay sa deployment. Tahimik pero mabigat ang aura. Disiplina na kahit hindi magsalita, mararamdaman mo.“James, meet Aiden Cruz,” pakilala ni Franco. “Ex-military. Sniper-trained. Walang reklamo, walang palya.”“Aiden,” bati ko.“Sir.” Diretso. Walang arte. Walang yabang.Gusto ko ’to.“Your job is simple,” sabi ko. “My daughter stays alive. No excuses.”Tumango siya agad. “Yes, sir. I’ll treat her like my own.”May laman ang
JAMES IÑIGONagising ako nang magaang ang dibdib—pero may bigat din na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kagabi sa pagitan namin ni Rose, o dahil sa alam kong hindi ako puwedeng maging marupok sa panahong may banta sa paligid ko at sa anak ko.Alas-siyete pa lang pero gising na ako, nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang cellphone. Walang bagong balita. Walang update si Franco. Walang pangalan. Walang suspek.At iyon—ang kawalang impormasyong iyon—mas lalo akong pinapraning.Paglabas ko sa hallway, narinig ko ang pamilyar na tawa ni Precious. Malakas, masaya—ibang-iba sa pagiging sumpungin niya kapag bagong gising. Napabilis tuloy ang hakbang ko.Pagdating ko sa sala, nadatnan ko si Precious na nakaupo sa carpet habang inaayos ni Rose ang buhok niya. Natural ang galaw nila, para bang matagal na silang magkakilala.Pero hindi iyon ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nakita ko kung ano ang hawak ni Precious.Isang maliit na pendant. Metal. Bilog. May naka-engra
JAMES IÑIGODalawang linggo na.Dalawang linggo na mula nang mawala ang shipment.At hanggang ngayon—wala pa ring putang-inang impormasyon kung sino ang traydor sa kompanya ko.Araw-araw akong pumapasok sa opisina na ang bungad sa akin ay mga mukhang hindi ko na alam kung dapat ko pang pagkatiwalaan.Araw-araw din akong sinisingil ng Dragon Z, hindi man direkta, pero ramdam ko ang presensya nila, parang anino na sumusunod kahit saan ako magpunta.Tatlong beses na silang nagpadala ng “reminders.” Sa mundo naming ginagalawan, hindi reminder ‘yon—warning ‘yon. At ang susunod? Hindi ko alam kung makakaligtas pa ako.Pagdating ko sa mansyon, dumiretso ako sa office room sa loob ng bahay. Ibinagsak ko ang mga report sa mesa—lahat puro walang kwenta.“Damn it!”Sinipa ko ang drawer. Tumalbog ang isang pen at gumulong sa sahig.“Sir?”Napatingin ako. Nasa pinto si Rose, may hawak na maliit na towel at gatas para kay Precious. Nakaponytail siya, simple lang, pero hindi ko maipaliwanag kung bak







