Share

CHAPTER 2

Author: Ms JulieAnn
last update Huling Na-update: 2025-11-28 12:49:51

JAMES IÑIGO

Dalawang linggo na.

Dalawang linggo na mula nang mawala ang shipment.

At hanggang ngayon—wala pa ring putang-inang impormasyon kung sino ang traydor sa kompanya ko.

Araw-araw akong pumapasok sa opisina na ang bungad sa akin ay mga mukhang hindi ko na alam kung dapat ko pang pagkatiwalaan.

Araw-araw din akong sinisingil ng Dragon Z, hindi man direkta, pero ramdam ko ang presensya nila, parang anino na sumusunod kahit saan ako magpunta.

Tatlong beses na silang nagpadala ng “reminders.” Sa mundo naming ginagalawan, hindi reminder ‘yon—warning ‘yon. At ang susunod? Hindi ko alam kung makakaligtas pa ako.

Pagdating ko sa mansyon, dumiretso ako sa office room sa loob ng bahay. Ibinagsak ko ang mga report sa mesa—lahat puro walang kwenta.

“Damn it!”

Sinipa ko ang drawer. Tumalbog ang isang pen at gumulong sa sahig.

“Sir?”

Napatingin ako. Nasa pinto si Rose, may hawak na maliit na towel at gatas para kay Precious. Nakaponytail siya, simple lang, pero hindi ko maipaliwanag kung bakit parang gumaan ang dibdib ko kahit hindi dapat.

“Sir James? Ayos lang po ba kayo?”

Hindi ako sumagot. Hindi ko makitang harapin siya. Hindi ko kayang ipaalam sa kanya ang bigat na nakapatong sa akin ngayon.

Lumapit siya nang dahan-dahan. “Kung may kailangan po kayo, sabihin niyo lang. Huwag n’yo po ilihim sa sarili n’yo. Masama po ‘yan sa—”

“Hindi mo naiintindihan,” putol ko, mas madiin kaysa sa dapat. “Hindi ganito kasimple ang buhay ko.”

Tahimik siya bago muling nagsalita. “Hindi ko po kailangan maintindihan lahat. Pero kita ko namang pagod na pagod na kayo.”

Tumikhim ako, pilit kinakalma ang sarili. “Rose, hindi mo kailangang… alalahanin ‘to.”

“Pero inaalala ko,” sagot niya agad.

Napatingin ako. Diretso siya. Walang takot.

Ganoon din noong unang araw—pero ngayon, may iba. May lambot sa boses niya na hindi ko kayang iwasan.

“Si Precious po… nag-aalala rin,” dagdag niya. “Hindi raw po kayo nakangiti nitong mga araw.”

Hindi ko alam kung anong nangyari, pero parang tumama sa dibdib ko ang mga salitang ‘yon. At doon ako tuluyang bumigay.

Lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap ko—kalmado ba? sagot ba? lakas ba?

“Rose…” mahina kong sabi, pero puno ng tensyon. “Alam mo bang ilang linggo na akong… halos hindi makahinga?”

Tumingala siya. “Sir…”

“Hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko,” tuloy ko. “Pero ikaw lang… ikaw lang sa bahay na ‘to ang hindi nagpapabigat sa isip ko.”

Napalunok si Rose. Kita ko ang kaba sa dibdib niya, pero hindi siya umatras.

Hindi ko na napigilan.

Hinawakan ko ang magkabila niyang braso—hindi marahas, pero mahigpit, parang takot akong mawala siya sa harap ko.

“Sir—James…?” bulong niya.

At doon ko ginawa ang bagay na matagal ko nang kinukulong sa sarili ko mula nang makilala siya. 

I leaned in and kissed her. Hindi malambot.

Hindi mahinahon. Agressive—dahil sa stress, galit, pagod, at sa dami ng kinikimkim ko. Pero hindi kailanman bastos. Hindi kailanman walang respeto.

Hinintay ko kung aatras siya. Kahit isang segundo lang. Pero hindi siya gumalaw.

Naramdaman ko ang marahang pag-angat ng kamay niya, hindi para itulak ako—kundi para hawakan ang dibdib ko, parang sinusubukan niya akong kalmahin.

Huminto ako, humingal. Nanatili ang noo ko sa noo niya.

“Shit…” bulong ko. “I shouldn’t have done that.”

Tahimik siya, pero hindi niya tinanggal ang kamay niya sa dibdib ko.

“Sir James…” mahina niyang sabi. “Pagod lang po kayo.”

Humigpit ang hawak ko sa kanya, pero marahan kong binitawan bago pa ako mas lumalim pa.

“Rose… don’t—don’t say I’m just tired,” sabi ko. “Because that kiss… hindi pagod ang dahilan nun.”

Tumingin siya sa sahig. “Naiintindihan ko po.”

Pumikit ako saglit, pilit ibinabalik ang kontrol ko.

“I’m sorry,” bulong ko. “Hindi kita dapat idamay sa stress ko.”

Umiling siya. “Hindi n’yo po ako binastos. Nagulat lang ako, pero… hindi ko po kayo tinutulak.”

Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong sumabog sa loob ko—hindi galit. Hindi takot.

Kundi pagnanasa na hindi ko dapat iniisip para sa isang nanny.

“Rose…” mahina kong sabi, puno ng tensyon. “Huwag mong hayaan na mahulog ako sa’yo.”

Nag-angat siya ng tingin. “Sir… bakit naman po?”

Damn. Hindi ko kayang sagutin ‘yon. Hindi ngayon. Hindi habang hinahabol pa rin ako ng Dragon Z.

“Um… babalik na po ako kay Precious,” sabi niya, medyo nanginginig ang boses.

Tumango ako. “Sige…”

Habang papalabas siya ng pinto, napahawak ako sa braso ng upuan—malakas, halos mabali.

--------

Kumukulo pa rin ang dugo ko matapos patayin ang tawag mula kay Franco. Wala pa ring lead sa nangyari. 

Sinuntok niya ang hangin, pigil ang sarili na huwag ibato ang vase sa gilid ng mesa.

"Damn it…” bulong niya, mabigat ang paghinga. Mula ulo hanggang balikat ay parang binabayo ng stress. Hindi lang ito tungkol sa negosyo—ito ay tungkol sa pamilya ko, sa kaligtasan ng aking anak, at sa sarili kong dangal.

Pagbukas ko ng pinto, ramdam pa rin ang apoy ng frustration sa dibdib ko.

At doon—sakto, parang sinadya ng tadhana—lumabas si Rose mula sa kwarto ni Precious.

Nakayuko ito habang inaayos ang laylayan ng uniform. Maamo. Tahimik. Walang kamalay-malay sa bagyong nagngangalit sa loob ko.

Pero pagtaas ng tingin ni Rose, ngumiti ito. Isang simpleng ngiti. Maliit. Magaan. Pero sapat para paluwagin ang dibdib ko kahit isang segundo lang. At doon ako tuluyang nadapa.

Biglang bumalik ang lahat—kung paano napatahimik ng dalaga ang pasaway niyang anak, kung paanong parang may sariling mundo ang dalawang iyon na hindi ko kayang pasukin. Kung paanong sa gitna ng kaguluhan, ang presensiya ni Rose ang tanging nagbibigay ng kaunting kapayapaan sa buhay namin. 

“Sir James?” mahinang tawag ni Rose, napansin ang paninigas ng panga niya. “Are you okay?”

Hindi ako sumagot.

Dahil paglapit ko, naamoy ko agad ang faint scent ng lavender lotion nito—simple, ngunit nakakabaliw sa isang lalaking ilang linggo nang puno ng galit, takot, at pagod.

At bago ko pa mapigilan ang aking sarili, hinawakan ko ang braso ni Rose—hindi marahas, pero mariin. Sapat para maramdaman ni Rose ang pwersa, ang init, ang tensyon na pinangungunahan ng emosyon ko.

“James—si… sir?” nauutal nitong tanong.

“Stop calling me ‘sir,’ Rose.” Mababa ang aking boses, paos, puno ng bigat na kanina ko pa kinikimkim.

Namilog ang mata nito. “Ano—”

Hindi ko siya pinatapos. Hinila ko siya palapit—dahan-dahan pero walang pag-aalinlangan—hanggang dumikit ang katawan namin. 

“James… ano ginagawa mo?” bulong ni Rose, halos hindi lumalabas ang boses.

“Hindi ko alam,” sagot ko, totoo, pagod, at marupok. “Pero simula nang dumating ka… hindi ko na alam kung alin ang tama.”

Lumapit ang mukha ko sa maganda niyang mukha, marahan, hindi agresibo, humihingi pa ng pahintulot kahit hindi sinasabi.

At sa unang pagkakataon, hindi tumingin si Rose palayo.

Dahan-dahang dumampi ang labi ko sa labi niya. Mainit, mabagal, puno ng pinipigilang damdamin.

Hindi iyon halik ng isang lalaking nag-aangkin. Ito ay halik ng isang lalaking pagod, takot, at gutom sa kahit konting ginhawa. Isang lalaking matagal nang nakatali sa galit at lihim na pangamba para sa anak niya, sa kompanya, sa sarili.

Nang gumanti si Rose—maingat, parang natatakot na baka mali ang ginagawa—parang nawala ang lahat ng bigat sa balikat ko. 

Hinawakan ko ang pisngi nito, hinagod ang gilid ng panga ng dulo ng daliri. 

“Rose… kailangan kita…” bulong ko, halos pakiusap.

Hindi sinagot ni Rose, pero nang hawakan niya ang kamay ko, sapat na iyon.

Mula sa hallway, dahan-dahan ko siyang hinila—papasok sa loob ng opisina, marahan, hindi nagmamadali, parang bawat hakbang ay pinapakinggan ng puso ko. 

Pagkasara ng pinto, dumampi ulit ang mga labi namin—ngayon ay mas malalim, mas masuyong desperado. Mula sa mga halik na mabagal hanggang sa mga haplos na ingat na ingat. Naghalo ang init at emosyon sa bawat paglapit at paghila nila sa isa’t isa.

Nagtagpo ang labi namin—hindi maingat, hindi inosente, kundi halik na may halong galit, gutom, at hindi maipaliwanag na pagtagal na paghahanap.

Humawak siya sa kwelyo ko, parang kailangan niyang may masandalan. At nang humawak siya pabalik—doon ako tuluyang nawasak.

Iniangat ko siya sa baywang, inilapit sa mesa.

Hindi ko siya pinilit. Pero hindi rin siya umatras.

Pagdikit ng likod niya sa gilid ng mesa, napasinghap siya. Iyon ang tunog na tumapos sa lahat ng natitirang dahilan ko.

“Sabihin mo kung ayaw mo,” bulong ko sa leeg niya. Pero imbes na salita—

Hinila niya ako. Mas malapit. Mas mainit.

At sa isang iglap, kami ang naging sentro ng maliit na opisina—wala ang mundo sa labas, wala ang trabaho, wala ang panganib, wala ang Ledesma, wala ang Dragon Z.

Kami lang.

Hinaplos ko ang pisngi niya, dahan-dahan, parang tinatanong kung totoo ba siya. At nang tumingin siya sa akin na parang ako ang pinaka-pinagkakatiwalaang tao sa buong buhay niya—

hindi ko na napigil.

Naghalo ang mga hinga namin. Naghanap ang mga kamay. Kumapit siya sa akin na parang ako ang huling bagay na matitibayan niya.

At nang sumapo ang mga labi ko ulit sa kanya, nagbigay siya. Buong-buo. Walang alinlangan.

Nang lumipas ang oras, nang mapatong ang ulo niya sa balikat ko, habol-hininga, pagod, nanginginig, pero ligtas sa bisig ko— isang katotohanan ang hindi ko matakbuhan:

Hindi ko na siya kayang pakawalan. Kahit ilang beses ko pang sabihing dapat ko siyang iwasan.

Kahit ilang panganib pa ang nasa paligid ko.

At habang nakayakap siya sa akin, marahan, totoo— alam kong tapos na ako.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • CEO'S MAFIA HEIRESS    CHAPTER 8

    JAMES Bandang hapon hinintay ko ang isa ko pang matalik na kaibigan. The front desk receptionist informed me that he is coming. Pumasok si Jeffrey sa opisina, suot ang signature niyang leather jacket, mukhang galing sa bar o galing sa kung anong gulo.“James,” aniya habang tinatanggal ang shades, “narinig ko ang nangyari sa bahay mo.”Napansin kong hindi siya ngumingiti. Rare.“Franco called you?” tanong ko.“Nope. I got my own sources. Usap usapan ngayon sa ating circle ang nangyari. When I confirm it to Franco, I called my people to ask around.” Umupo siya sa sofa. “At pare, this is serious.”Lumapit ako at tumabi sa kanya. Napahilamos ako ng akung mukha at napasandal ako sa sofa. Napabuntong hininga ako ng malalim. “Alam ko. Franco and I are doing our best to find the culprit, especially now that Dragon Z is on my tail. "" I'll do my best to help, " tugon niya. “Ang ayaw ko sa lahat ang nalilinlang tayo. “I thankfully nod at him. " Tulad ni Franco may connection din siya sa und

  • CEO'S MAFIA HEIRESS    CHAPTER 7

    CHAPTER 7 JAMES IÑIGONagising ako kinabukasan wala na si Rose sa tabi ko. Napatingin ako sa kisame at napabuntong hininga ng malalim. Uminom ako ng alam kasama si Franci at ilan naming kaibigan. Hindi ko namalayan naparami ako ng inom dahil sa problemang kinakaharap ko.Gusto ko lang sana makausap si Rose kaya ako dumaan sa kanyang kwarto. Pero nang makita ko siya kagabi, nawala sa isip ko ang aking sasabihin at muli akong nakagawa ng bagay labas sa panininindigan ko.Yaya siya ng anak ko ngunit hindi ko siya makitang ganoon. I find her presence mysterious and fascinating. Something about her that's makes her stand out. I really need to talk to her.Bumangon ako at lumabas, confident na walang makakitang tauhan ko sa labas dahil nasa second floor kami. Maliban sa tauhan ko sa security room."Tita Rose, can you help me with my hair?"Napahinto ako sa labas ng kwarto ng aking anak, at nakita siyang nakatayo sa harap ng salamin habang nasa closet naman si Rose, mukhang may kinukuha doo

  • CEO'S MAFIA HEIRESS    CHAPTER 6

    MARGARETTE ( BLUE ROSE )"Dito ka maglunch, anak."Hinalikan ko sa pisngi ang aking ina."I love too, mama but I still need to go somewhere," tugon ko.Napabuntong hininga siya ng malalim. "You're dad, always send you in a mission. I miss having you around!" Reklamo ni Mama na ikinatawa ko."One day, Mama magsasawa ka rin sa presensya ko dito sa bahay. Sa ngayon, kayo na lang uli ni Papa hanggang di pa dumating ang mga apo ninyo."Bunso ako sa apat na magkapatid at lahat kami ay mga babae. May kanya-kanyang pamilya na ang mga kapatid ko ngunit wala ang isa man sa kanila ang ang gustong pumalit kay Papa na maging pinuno ng Dragon Z. They are trained and deadly too but handling all the business underground was an issue. Nang ipinanganak ako, sinigurado ni Papa na bata pa lang ako tinuruan na niya ako sa pakikipaglaban at paghawak ng negosyo. Hindi naman siya nabigo dahil gusto ko ang aking ginagawa. "Your daughter is right, mi amor. I love our peaceful and quite life without the kids

  • CEO'S MAFIA HEIRESS    CHAPTER 5

    MARGARETTE ROSEFLASHBACK — Don Mariano’s Study Tahimik ang loob ng bahay namin, pero malamig ang hangin ng opisina ni Papa, siDon Mariano Zobel. Nakaupo siya sa high-backed chair, ang kanyang mga kamay ay nakatuhod sa mesa, ang kanyang mukha ay walang ngiti. Malinaw na may pinaplanong malaki.“Margarette,” simula niya, mahinang boses pero puno ng authority. "Mabuti at dumating ka."Hindi ako umatras. “Bakit, Papa?”“May impormasyon ako tungkol sa isang lalaki — si James Ledesma. May-ari ng kompanya na nagwala ng ating shipment. He is clean but I doubt his employees are'nt” Inilahad niya ang iba pang detalye ng magiging misyon ko. Tumigil si Papa at tumingin sa akin ng matalim. “Gusto kong alamin mo kung ano ang totoo—at kung sino ang traydor na naglalakad sa paligid niya.”“Bakit ako po ang pinapadala ninyo? May iba pa namang magagawa yun—” sabi ko, mahinahon kahit gusto magwala dahil sa boring niyang assignment.Ngumisi siya, walang kalakip na kasiyahan. “Dahil ikaw ang pinakamabi

  • CEO'S MAFIA HEIRESS    CHAPTER 4

    JAMES IÑIGOPagkatapos ng buong araw ng pagsuyod sa mansyon, wala pa ring nahuhuli. Walang mukha. Walang pangalan. Walang direksyon. At ngayon, habang nakatingin ako sa microcamera na nakapatong sa lamesa, parang mas lalo lang akong ginagapos ng sarili kong bahay.“Damn it…” bulong ko.Mas umiinit ang sentido ko sa bawat segundong lumilipas na walang resulta.Natingin ako sa pinto nang may kumatok. "Come in!" “James. Dumating na yung tao ko.”Tumayo agad ako. “Good. Bring him in.”Pagpasok ng lalaki, agad kong na-scan ang hitsura niya. Matangkad, lean, halatang sanay sa deployment. Tahimik pero mabigat ang aura. Disiplina na kahit hindi magsalita, mararamdaman mo.“James, meet Aiden Cruz,” pakilala ni Franco. “Ex-military. Sniper-trained. Walang reklamo, walang palya.”“Aiden,” bati ko.“Sir.” Diretso. Walang arte. Walang yabang.Gusto ko ’to.“Your job is simple,” sabi ko. “My daughter stays alive. No excuses.”Tumango siya agad. “Yes, sir. I’ll treat her like my own.”May laman ang

  • CEO'S MAFIA HEIRESS    CHAPTER 3

    JAMES IÑIGONagising ako nang magaang ang dibdib—pero may bigat din na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kagabi sa pagitan namin ni Rose, o dahil sa alam kong hindi ako puwedeng maging marupok sa panahong may banta sa paligid ko at sa anak ko.Alas-siyete pa lang pero gising na ako, nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang cellphone. Walang bagong balita. Walang update si Franco. Walang pangalan. Walang suspek.At iyon—ang kawalang impormasyong iyon—mas lalo akong pinapraning.Paglabas ko sa hallway, narinig ko ang pamilyar na tawa ni Precious. Malakas, masaya—ibang-iba sa pagiging sumpungin niya kapag bagong gising. Napabilis tuloy ang hakbang ko.Pagdating ko sa sala, nadatnan ko si Precious na nakaupo sa carpet habang inaayos ni Rose ang buhok niya. Natural ang galaw nila, para bang matagal na silang magkakilala.Pero hindi iyon ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nakita ko kung ano ang hawak ni Precious.Isang maliit na pendant. Metal. Bilog. May naka-engra

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status