MasukJAMES IÑIGO
Nagising ako nang magaang ang dibdib—pero may bigat din na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kagabi sa pagitan namin ni Rose, o dahil sa alam kong hindi ako puwedeng maging marupok sa panahong may banta sa paligid ko at sa anak ko.
Alas-siyete pa lang pero gising na ako, nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang cellphone. Walang bagong balita. Walang update si Franco. Walang pangalan. Walang suspek.
At iyon—ang kawalang impormasyong iyon—mas lalo akong pinapraning.
Paglabas ko sa hallway, narinig ko ang pamilyar na tawa ni Precious. Malakas, masaya—ibang-iba sa pagiging sumpungin niya kapag bagong gising. Napabilis tuloy ang hakbang ko.
Pagdating ko sa sala, nadatnan ko si Precious na nakaupo sa carpet habang inaayos ni Rose ang buhok niya. Natural ang galaw nila, para bang matagal na silang magkakilala.
Pero hindi iyon ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nakita ko kung ano ang hawak ni Precious.
Isang maliit na pendant. Metal. Bilog. May naka-engrave na Z. At hindi iyon dapat nakikita ng kahit na sino rito sa bahay. Symbolo iyon ng Dragon Z Empire.
Nanlamig ang kamay ko.
“Precious. Where did you get that?” Hindi ko sinisigawan ang bata, pero ramdam kong ibang tono na ang lumalabas sa bibig ko.
“T-This?” tinaas niya ang pendant. “Nakita ko lang po sa bag ni Ate Rose kagabi. Ang ganda, Daddy.”
Parang may sumabog na yelo sa utak ko.
Dahan-dahan akong tumingin kay Rose.
Hindi siya mukhang nagulat. Hindi takot. Hindi clueless. Galit ang unang kumurap sa mata niya. Galit… at parang may sariling kwento. Pero isang segundo lang iyon—agad niyang tinakpan ng mahinhin na ekspresyon.
“Nasa bag mo raw?” malamig kong tanong.
Nagkurap si Rose. “Ah… hindi po sa akin ‘yan, sir. Napulot ko iyan kanina kaya inilagay ko po sa bag ko. Hindi ko po alam ‘yan.”
Tahimik lang ako. Hindi ako sumigaw. Ngunit sa loob-loob ko parang bulkan na sasabog ang aking galit.
Hindi ko naisip na si Rose agad ang may kasalanan. Kahit pa dapat. May mas malalim na kutob na gumapang sa likod ng isip ko.
Kung may simbolo ng Dragon Z na nakapasok dito… Ibig sabihin— May tao sa loob ng mansyon ang konektado sa kanila. At imposibleng si Rose ang una kong pagdudahan.
“Precious, ibigay mo kay Daddy,” sabi ko nang mahinahon, kahit ramdam kong naninigas ang panga ko. “Hindi ito laruan.”
Inabot naman ito ng ana ko. Kinuha ko ang pendant. Mabigat. Hindi ordinaryo. Hindi dekorasyon. At kilala ko ang klase nito. Tracker ito.
Napalunok ako.
Hindi ko puwedeng ipakita ang takot. Hindi sa anak ko. Hindi kay Rose. Hindi kahit kanino—lalo na kapag hindi ko alam kung sino ang kalaban.
“Magpunta kayo ni Precious sa garden,” sabi ko kay Rose. Utos iyon—pero nilagyan ko ng kaunting lambing para hindi matakot ang bata. “Huwag kayong aalis doon.”
“Sir—may—”
“Rose.” Tumingin ako diretso sa mga mata niya. “Please.”
Tumigil siya. Tumango. Kinuha si Precious at umalis.
Pagkaalis nila, doon ko lang hinayaang bumagsak ang facade ko.
Piniga ko ang pendant. Nanginginig ang kamay ko—hindi dahil kay Rose… kundi dahil sa ibig sabihin nito.
Matagal na pala kaming minamanmanan. At parang naririnig ko pa rin ang sinabi ni Franco:
“James… siguradong inside job ‘yan.”
At ngayon, hindi na iyon hula.
Bago pa ako makatawag, may narinig akong tunog mula sa kabilang dulo ng hallway.
Mahina. Mabilis. Parang yabag na nagtatago.
Hindi si Rose. Hindi si Precious. Hindi staff—alam ko ang lakad ng bawat isa. Iba iyon. Parang sinadya para marinig ko. O sinadya para takutin ako.
At unang beses mula nang mawala ang shipment, isang katotohanan ang tumama sa akin:
May tao nang nakapasok sa mansyon.
At alam niya kung ano ang Dragon Z symbol.
“Security lockdown.” usal ko sa aking sarili.
Hawak ko pa rin ang pendant nang dumiretso ako sa office at i-activate ang emergency protocol ng bahay—isang system na hindi ko pa ginamit kahit kailan.
LOCKDOWN ACTIVATED.
Nagsara ang automatic reinforced doors, nag-lock ang mga bintana, at umilaw ang red indicators.
Hindi ko kayang ipagsapalaran ang buhay ng anak ko.
Hindi ngayon. Hindi kailanman.
Mabilis kong hinugot ang aking cellphone at tinawagan si Franco.
"James?"
"You need to come here immediately and bring your men. You need to sweep the whole mansion from top to bottom if necessary!" I demanded.
"Woooah! What happened, bro?" He asked then I heard him call his men.
"Intruder fucking enter my house, Franco, and he deliberately leave some clue, who he was? " I coldly replay. Umigting ang panga ko, napakuyom ako ng aking kamao.
Dragon Z cross the line now!
" Shit, James! This getting out of hand! Papunta na kami. Stay alert! " tugon ni Franco bago niya pinatay ang tawag.
Huminga ako ng malalim at lumabas sa aking opisina. Nakita ko ang aking mga kasama sa bahay sa sala at nag-aalala. I briefly explain the situation and told them to stay in their room, until everything clears out.
Pagpunta ko sa garden, nakita ko si Rose at Precious sa ilalim ng puno. Si Precious nagdo-drawing; si Rose bantay sarado pero hindi nagpapahalata ng kaba.
Tumingin si Rose sa akin. “Sir… may mali po ba?”
Hinaplos ko ang ulo ni Precious. Pilit kong pinapakalma ang sarili.
“Walang mali. Pero may kailangan akong ayusin.”
Lumuhod ako sa harap ng anak ko. “Baby, may bagong magbabantay sayo, okay? Para mas safe ka.”
“Safe? Daddy, danger ba tayo?”
Kumirot ang dibdib ko.
“Hindi, sweetheart. Gusto ko lang mas maging ligtas ka.”
Hinawakan niya ang braso ni Rose.
“Pwede kasama pa rin si Ate Rose?”
“Kasama siya,” mabilis kong sagot.
“Andyan si Ate Rose. Hindi ka niya iiwan.”
Nagkatinginan kami ni Rose. Maraming ibig sabihin. Kabado. Tiwala. At ang hindi namin kayang bigkasin tungkol sa gabing nasa pagitan namin.
Ilang minuto, dumating si Franco kasama ang mga tauhan.
“Anong nangyari?” tanong niya.
Inabot ko ang pendant.
Nanigas ang panga niya.
“Dragon Z tracking emblem. Paano napunta ‘to dito?”
“That’s what we find out,” sagot ko. “Sweep the entire mansion.”
Nag-utos si Franco. Kumalat ang mga tauhan. Sinuyod ang bawat hallway, bawat kwarto, bawat sulok.
Napatingin siya kay Rose mula sa malayo.
“Yan ba yung bagong nanny?”
“Oo.”
“Trustworthy?”
Napatingin ako kay Rose. Sa paraan niya alagaan si Precious… sa kung paano niya ako tinitingnan… sa init na pinagsaluhan namin kagabi. I still need to talk to her about it.
“Yeah,” sagot ko. “She stays.”
“Mabuti. Kailangan ng anak mo ng extra na mata.”
“Magha-hire ako ng personal bodyguard para kay Precious.”
“Meron akong tao. Ex-military. Tahimik pero mabilis kumilos.”
“Good.”
Pero bago kami makabalik, nilapitan kami ng isang tauhan.
“Sir James, Sir Franco! We found something.”
Sumunod kami. At nakita namin—nakasiksik sa likod ng lumang cabinet sa hallway --microcamera. Aktibo. Modern model. At hindi gawang baguhan.
“Holy sht…” bulong ni Franco.
"I know!" galit kong tugon.
"We need to do something about them!"
Napatango ako. Bago pa ako makapagsalita. Narinig ko ang boses ng anak ko papalapit sa amin.
Paglingon ko, nasa likod namin si Rose, hawak ang kamay ni Precious.
“Sir… safe pa po ba kami dito?” mahinahon niyang tanong.
Hindi ko kayang magsinungaling. Pero hindi rin ako pwedeng magpakita ng takot. Kaya tumingin ako sa kanila—at sinabi ang tanging kaya kong ipangako:
“Habang nandito kayo…
walang makakagalaw sa inyo.”
Pero sa loob ko—
Kinikipot na ang mundo namin. At hindi ko alam kung sino ang kalaban… o sino ang dapat kong pagkatiwalaan.
JAMES Bandang hapon hinintay ko ang isa ko pang matalik na kaibigan. The front desk receptionist informed me that he is coming. Pumasok si Jeffrey sa opisina, suot ang signature niyang leather jacket, mukhang galing sa bar o galing sa kung anong gulo.“James,” aniya habang tinatanggal ang shades, “narinig ko ang nangyari sa bahay mo.”Napansin kong hindi siya ngumingiti. Rare.“Franco called you?” tanong ko.“Nope. I got my own sources. Usap usapan ngayon sa ating circle ang nangyari. When I confirm it to Franco, I called my people to ask around.” Umupo siya sa sofa. “At pare, this is serious.”Lumapit ako at tumabi sa kanya. Napahilamos ako ng akung mukha at napasandal ako sa sofa. Napabuntong hininga ako ng malalim. “Alam ko. Franco and I are doing our best to find the culprit, especially now that Dragon Z is on my tail. "" I'll do my best to help, " tugon niya. “Ang ayaw ko sa lahat ang nalilinlang tayo. “I thankfully nod at him. " Tulad ni Franco may connection din siya sa und
CHAPTER 7 JAMES IÑIGONagising ako kinabukasan wala na si Rose sa tabi ko. Napatingin ako sa kisame at napabuntong hininga ng malalim. Uminom ako ng alam kasama si Franci at ilan naming kaibigan. Hindi ko namalayan naparami ako ng inom dahil sa problemang kinakaharap ko.Gusto ko lang sana makausap si Rose kaya ako dumaan sa kanyang kwarto. Pero nang makita ko siya kagabi, nawala sa isip ko ang aking sasabihin at muli akong nakagawa ng bagay labas sa panininindigan ko.Yaya siya ng anak ko ngunit hindi ko siya makitang ganoon. I find her presence mysterious and fascinating. Something about her that's makes her stand out. I really need to talk to her.Bumangon ako at lumabas, confident na walang makakitang tauhan ko sa labas dahil nasa second floor kami. Maliban sa tauhan ko sa security room."Tita Rose, can you help me with my hair?"Napahinto ako sa labas ng kwarto ng aking anak, at nakita siyang nakatayo sa harap ng salamin habang nasa closet naman si Rose, mukhang may kinukuha doo
MARGARETTE ( BLUE ROSE )"Dito ka maglunch, anak."Hinalikan ko sa pisngi ang aking ina."I love too, mama but I still need to go somewhere," tugon ko.Napabuntong hininga siya ng malalim. "You're dad, always send you in a mission. I miss having you around!" Reklamo ni Mama na ikinatawa ko."One day, Mama magsasawa ka rin sa presensya ko dito sa bahay. Sa ngayon, kayo na lang uli ni Papa hanggang di pa dumating ang mga apo ninyo."Bunso ako sa apat na magkapatid at lahat kami ay mga babae. May kanya-kanyang pamilya na ang mga kapatid ko ngunit wala ang isa man sa kanila ang ang gustong pumalit kay Papa na maging pinuno ng Dragon Z. They are trained and deadly too but handling all the business underground was an issue. Nang ipinanganak ako, sinigurado ni Papa na bata pa lang ako tinuruan na niya ako sa pakikipaglaban at paghawak ng negosyo. Hindi naman siya nabigo dahil gusto ko ang aking ginagawa. "Your daughter is right, mi amor. I love our peaceful and quite life without the kids
MARGARETTE ROSEFLASHBACK — Don Mariano’s Study Tahimik ang loob ng bahay namin, pero malamig ang hangin ng opisina ni Papa, siDon Mariano Zobel. Nakaupo siya sa high-backed chair, ang kanyang mga kamay ay nakatuhod sa mesa, ang kanyang mukha ay walang ngiti. Malinaw na may pinaplanong malaki.“Margarette,” simula niya, mahinang boses pero puno ng authority. "Mabuti at dumating ka."Hindi ako umatras. “Bakit, Papa?”“May impormasyon ako tungkol sa isang lalaki — si James Ledesma. May-ari ng kompanya na nagwala ng ating shipment. He is clean but I doubt his employees are'nt” Inilahad niya ang iba pang detalye ng magiging misyon ko. Tumigil si Papa at tumingin sa akin ng matalim. “Gusto kong alamin mo kung ano ang totoo—at kung sino ang traydor na naglalakad sa paligid niya.”“Bakit ako po ang pinapadala ninyo? May iba pa namang magagawa yun—” sabi ko, mahinahon kahit gusto magwala dahil sa boring niyang assignment.Ngumisi siya, walang kalakip na kasiyahan. “Dahil ikaw ang pinakamabi
JAMES IÑIGOPagkatapos ng buong araw ng pagsuyod sa mansyon, wala pa ring nahuhuli. Walang mukha. Walang pangalan. Walang direksyon. At ngayon, habang nakatingin ako sa microcamera na nakapatong sa lamesa, parang mas lalo lang akong ginagapos ng sarili kong bahay.“Damn it…” bulong ko.Mas umiinit ang sentido ko sa bawat segundong lumilipas na walang resulta.Natingin ako sa pinto nang may kumatok. "Come in!" “James. Dumating na yung tao ko.”Tumayo agad ako. “Good. Bring him in.”Pagpasok ng lalaki, agad kong na-scan ang hitsura niya. Matangkad, lean, halatang sanay sa deployment. Tahimik pero mabigat ang aura. Disiplina na kahit hindi magsalita, mararamdaman mo.“James, meet Aiden Cruz,” pakilala ni Franco. “Ex-military. Sniper-trained. Walang reklamo, walang palya.”“Aiden,” bati ko.“Sir.” Diretso. Walang arte. Walang yabang.Gusto ko ’to.“Your job is simple,” sabi ko. “My daughter stays alive. No excuses.”Tumango siya agad. “Yes, sir. I’ll treat her like my own.”May laman ang
JAMES IÑIGONagising ako nang magaang ang dibdib—pero may bigat din na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kagabi sa pagitan namin ni Rose, o dahil sa alam kong hindi ako puwedeng maging marupok sa panahong may banta sa paligid ko at sa anak ko.Alas-siyete pa lang pero gising na ako, nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang cellphone. Walang bagong balita. Walang update si Franco. Walang pangalan. Walang suspek.At iyon—ang kawalang impormasyong iyon—mas lalo akong pinapraning.Paglabas ko sa hallway, narinig ko ang pamilyar na tawa ni Precious. Malakas, masaya—ibang-iba sa pagiging sumpungin niya kapag bagong gising. Napabilis tuloy ang hakbang ko.Pagdating ko sa sala, nadatnan ko si Precious na nakaupo sa carpet habang inaayos ni Rose ang buhok niya. Natural ang galaw nila, para bang matagal na silang magkakilala.Pero hindi iyon ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nakita ko kung ano ang hawak ni Precious.Isang maliit na pendant. Metal. Bilog. May naka-engra







