Share

CHAPTER 126

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-06-18 22:55:53

WESLEY’S POV

Nagising si Wesley at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Sandaling nanlalabo ang kanyang paningin habang pinagmamasdan ang puting kisame sa itaas niya. Amoy na amoy niya ang antiseptic sa paligid at maririnig ang mahinang pagtunog ng mga makinang nakakabit sa kanya... Ospital.

Ngunit may kakaiba. Hindi iyon ang ospital na kanyang inaasahan. Hindi iyon ang pamilyar na kwartong nakita niya noon sa St. Paul’s Hospital.

Napakunot ang kanyang noo habang sinusubukang lingunin ang paligi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 131

    Ang akala niya ay naging malapit lamang ang dalawa dahil magiging step-siblings sana ang mga ito. Hindi niya alam na matagal na pala silang magkakilala.At lalong hindi niya alam na ang babaeng madalas ikuwento ni Kieran noong teenager pa lamang ito... ang babaeng matagal nitong crush at unang minahal... ay si Nikita pala.Ngayon niya lang lubos na nauunawaan kung bakit ganito kasakit para sa anak niya ang lahat. Matagal na nitong mahal si Nikita. Mas matagal pa kaysa sa relasyon nila ni Wesley.Humugot siya ng malalim na hininga, pagkatapos ay inabot niya ang papel na kanina lamang niya nakita habang naglilinis sa kwarto ni Kieran. Dahan-dahan niya itong inilapag sa mesa. Napatingin si Kieran doon at agad na nanigas. Nawala ang anumang emosyon sa mukha nito.Marriage certificate... Ang pekeng marriage certificate ng dalawa sa isang wedding booth noong high school pa ang mga ito.Nakalagay doon ang pangalan ni Kieran at ni Nikita. Matagal na pala nitong itinatago iyon.Bahagya siyang

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 130

    VIVIAN’S POV:Tahimik na nakaupo si Vivian sa dining table habang paminsan-minsang sumusulyap sa malaking orasan na nakasabit sa dingding. Kanina pa siya naghihintay kay Kieran na tuluyang makapasok sa loob ng bahay.Ilang beses pa niyang kinailangan itong tawagan bago pumayag na maghapunan kasama siya ngayong gabi. Ngunit kahit pumayag ito, ramdam niyang napipilitan lamang ang anak.Halos isang buwan na rin ang lumipas mula nang umalis sina Wesley at Nikita. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita kung nasaan ang dalawa.Masakit... Napakasakit para sa kanilang mag-ina na basta na lamang silang iniwan nang walang kahit anong paliwanag. Ngunit sa tingin ni Vivian, mas malalim ang sugat na iniwan nito kay Kieran kaysa sa kanya.Kitang-kita niya ang pagbabago sa anak. Halos gabi-gabi itong umuuwing lasing. Minsan naman ay hindi na talaga umuuwi at sa condo na lang natutulog. Kung hindi pa niya tatawagan at pipilitin, hindi na ito magpapakita sa bahay. Parang unti-unti nitong tinatak

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 129

    Sandali ring natigilan si Wesley. Hindi pala magandang biro iyon sa mga oras na ito. Alam niyang may dinadala pa ring sakit si Nikita sa puso nito.“P-paano na pala kayo ni Kieran, anak?” Hindi niya napigilan ang magtanong.Huminto si Nikita sa ginagawa nito bago marahang bumuntong-hininga. “'Wag mo nang itanong, Dad. Ayoko na siyang makita.”Napakunot-noo siya.“From the start, hindi naman talaga pwede. Pero pinilit namin.""Pero pumayag na ako, hindi ba?” sagot niya. “Nagbigay na ako ng daan sa inyong dalawa.”Mapait na napangiti si Nikita. “Kahit mag-give way ka pa, Dad, hindi rin ako papayag na makasal ka kay Vivian.”Napabuntong-hininga si Wesley. “Here we go again....”“She doesn't love you!” mariing sabi ni Nikita habang nakatingin sa kanya. “Ang mahal lang niya ay ang pera at kapangyarihang meron ka!”“Anak---”“Hindi mo lang nakikita dahil mahal mo siya.”“Anak,” muli niyang putol dito, mas mahinahon ang tono. “Huwag mong husgahan agad ang tao. Ang side lang ni Ralph ang nari

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 128

    Makalipas ang ilang araw at sa wakas ay nakalabas na rin siya ng ospital. Mula roon ay dumiretso sila sa bahay ni Nikita... ang bahay na siya mismo ang bumili noon para kina Nikita at sa ina nito matapos silang maghiwalay.Kahit nauwi sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama ng kanyang asawa, hindi niya kailanman pinabayaan ang mag-ina. Sinigurado niyang magiging maayos ang buhay ng mga ito sa Amerika. Binilhan niya sila ng bahay at sasakyan, at buwan-buwan ay nagpapadala siya ng sapat na allowance upang hindi sila mahirapan.Ngunit nagbago iyon nang makapagtapos si Nikita ng kolehiyo. Matigas itong tumangging tumanggap pa ng pera mula sa kanya. May maayos na itong trabaho at malaki na rin ang kinikita. Naalala pa niya kung paano sila nagtalo noon dahil pakiramdam niya ay unti-unti nang pinuputol ng anak ang natitira nilang ugnayan."Dad, hindi ko ginagawa ito dahil ayaw ko sa'yo," mahinahon nitong paliwanag noon. "Gusto ko lang maging independent. Gusto kong matutong tumayo sa sarili k

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 127

    Hindi niya maitatangging marami silang pinagdaanan ng kanyang anak. Mula nang mawala ang kanyang asawa, si Nikita na lamang ang naging mundo niya. At siya rin ang naging mundo ng anak niya."Hindi ko kayang mawala ka sa akin, Dad," umiiyak nitong sabi. "Akala ko mamamatay ka nang barilin ka ni Ralph."Napatungo si Wesley. Sa unang pagkakataon ay nakita niya kung gaano katindi ang takot na pinagdaanan ni Nikita habang siya ay walang malay."Pero anak..."Marami pa sana siyang gustong sabihin. Gusto niyang itanong kung bakit nagpasya ito nang hindi man lang siya kinonsulta.Kung nagkataong hindi siya nawalan ng malay sa loob ng ilang araw, malamang ay hindi siya pumayag na dalhin siya sa America. Wala siyang kamalay-malay na nailipad na pala siya palabas ng bansa. Ni hindi man lang siya nakapagpaalam."I'm sure alam mo na rin ang tungkol sa relasyon nina Vivian at Ralph, Dad," muling sabi ni Nikita. "I'm sure, sinabi na rin iyon sa inyo ni Kieran, hindi ba? Kaya nga nang komprontahin ko

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 126

    WESLEY’S POVNagising si Wesley at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Sandaling nanlalabo ang kanyang paningin habang pinagmamasdan ang puting kisame sa itaas niya. Amoy na amoy niya ang antiseptic sa paligid at maririnig ang mahinang pagtunog ng mga makinang nakakabit sa kanya... Ospital.Ngunit may kakaiba. Hindi iyon ang ospital na kanyang inaasahan. Hindi iyon ang pamilyar na kwartong nakita niya noon sa St. Paul’s Hospital.Napakunot ang kanyang noo habang sinusubukang lingunin ang paligid. Malinis at moderno ang silid. Malalaki ang mga bintana at tila mamahalin ang mga kagamitan sa loob.Maya-maya ay bumukas ang pinto at may pumasok na isang Amerikanang babae na naka-uniporme ng nurse. Agad itong napangiti nang makita siyang gising."My goodness, Mr. Madrigal! You're awake now!"Lalong kumunot ang noo niya. Bakit nag-Eenglish ang nurse? At bakit mukhang tisay ito? Nasaan ba siya?Sandaling pumasok sa isip niya ang isang nakakatakot na posibilidad... Patay na ba ako? o naghahalu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status