Share

CHAPTER 122

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-06-16 20:25:17

Habang nagmamaneho pauwi sa mansion ng mga Madrigal, nanatiling tahimik si Kieran. Pinipigilan niyang mag umpisa ng usapan sa kanyang ina, alam niyang madami siyang kailangan itanong dito pero pinili niyang manahimik muna. Hinid pa ito ang pagkakataon

Sa likurang upuan, nakatanaw lamang si Vivian sa bintana. Ilang sandali pa ay nabasag ang katahimikan.

“Anak...”

Napasilip si Kieran sa rearview mirror.

“Yes, Mom?”

Huminga nang malalim si Vivian bago nagsalita. “Sigurado ka bang wala talagang p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 300

    Nang tuluyang makaalis si Celestine, saka bumalik ang katahimikan sa bahay at kasabay nito, bumalik din ang bigat sa kanyang dibdib.Dahan-dahan siyang pumasok sa kanyang kuwarto, dala-dala ang mga paper bag na pinamili nila kanina. Kanina lang ay excited pa siya sa mga iyon. May mga bagay siyang binili dahil naisip niyang magiging masaya siya habang ginagamit ang mga iyon. May ilang bagay pa siyang gustong ipakita kay Kieran pero ngayon, wala na siyang gana.Isa-isa niyang inilapag ang mga paper bag sa gilid ng kama. Hindi man lang niya tiningnan ang laman ng mga iyon. Humiga siya sa kama at walang imik na tumingin sa kisame. Sa katahimikang iyon, unti-unting bumalik sa kanyang isipan ang lahat... Ang mga taon na paghihintay ni Kieran, ang muling pagkikita nila, ang mga sandaling pinaniwala siyang siya lang ang mahal nito at ang mga pangakong binitiwan nito,Kung kelan ibinigay na niya ang lahat ng tiwala niya kay Kieran… Kung kailan tuluyan na niyang ibinaba ang mga pader na matagal

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 299

    Tahimik silang naglakad palabas ng mall. Wala nang imik si Nikita mula nang umalis sila sa coffee shop. Nakayuko lang siya habang mahigpit na hawak ang kanyang bag, pilit na pinipigilan ang muling pag-agos ng kanyang mga luha.Hindi na rin siya kinulit ni Celestine. Alam nitong kailangan muna niyang huminga at ayusin ang magulong isip.Pagkasakay nila sa kotse, agad na isinara ni Celestine ang pinto at umupo sa driver's seat. Ilang segundo muna itong nanatiling tahimik bago nito pinaandar ang makina.Tahimik ang buong sasakyan tanging mahinang tunog ng air-conditioning at mga sasakyang dumaraan sa labas ang maririnig. Nakatitig lang siya sa bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw at gusaling unti-unting lumalampas sa kanilang paningin. Minsan ay pinupunasan niya ang gilid ng kanyang mata kapag may luhang gustong kumawala. Hindi niya pa rin maalis sa isip ang nakita niya… Si Kieran at ang babaeng kasama nito.“Honestly, I can't believe him.”Biglang nagsalita si Celestine, puno ng in

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 298

    Pagdating doon, magkahawak-kamay silang naglalakad ni Celestine habang paikot-ikot sa iba't ibang tindahan. Minsan ay nakakakuha sila ng atensyon mula sa ibang tao, lalo na kapag napapansin nilang tila komportable at masayang-masaya silang magkasama.Pero wala silang pakialam. For once, she simply wanted to enjoy herself at nagustuhan niya ang company ni Celestine. Magaan itong kasama, walang pressure. Walang mga tanong na nakakapagod sagutin. At higit sa lahat, hindi niya kailangang magpanggap na okay siya.Paminsan-minsan ay nagtatawanan sila habang namimili. May mga pagkakataong inaasar siya ni Celestine kapag may nagustuhan siyang bagay, at hindi rin naman siya nagpapatalo sa pang-aasar. Lumipas ang ilang oras na hindi niya namamalayan.Nang tuluyan silang mapagod sa kakalakad at pamimili, saka sila nagtungo sa isang coffee shop. Bitbit nila ang ilang shopping bags habang umupo sa isang mesa malapit sa glass wall.“Finally,” sambit ni Celestine habang inilapag ang mga pinamili nil

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 297

    May mga tao talagang ganoon. Kahit unang kita mo pa lang sa kanila, parang may kung anong koneksiyon agad. Magaan ang loob mo kahit hindi mo pa sila lubos na kilala. Parang hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong makibagay dahil kusang nagiging komportable ka sa presensya nila... tulad na lang ni Celestine.At mayroon din namang kabaligtaran. May mga taong wala naman talagang ginagawang masama sa'yo, pero sa unang pagkikita pa lang ay parang may kung anong bigat ka nang nararamdaman kapag nasa paligid mo sila... katulad na lang ni Nicole. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi niya talaga kayang maging komportable sa presensya nito.Muli siyang napangiti. Mabuti na lang at naroon si Celestine. At least, kung sakaling maisipan ng grupo na muli silang magkita-kita, mayroon na siyang makakausap. Hindi na siya basta mauupo sa isang tabi at maghihintay na matapos ang kanilang bonding.Maya-maya ay napatingin siya sa malaking bintana nang mapansin niyang pumasok sa main gate ang isang s

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 296

    Sa totoo lang, ayaw sana niyang makipag-usap sa kahit sino ngayon. Pero hindi naman niya kayang sabihin iyon kay Celestine. Mabait naman sa kanya ang dalaga at ayaw niyang tarayan o iparamdam dito na hindi siya welcome.“Okay ka lang ba, Niks?” tanong ni Celestine.Sandaling natahimik si Nikita. “Hmm?”“You sound a little sad.”Agad siyang napangiti nang pilit. “Hindi. Okay lang ako.”Hindi na ito nagtanong pa.“Anyway…” bahagyang tumawa si Celestine sa kabilang linya. “Kaya ako tumawag kasi nabo-bore ako dito sa condo. I was thinking…” bahagyang nag-pause ito. “Do you want to go out with me? Maybe coffee? We can talk and hang out for a while.”Napatingin si Nikita sa paligid ng bahay... Tahimik, napakalawak ng sala, pero pakiramdam niya ay napakalungkot niya roon. Wala ang kanyang daddy, wala si Kieran. At kahit alam niyang hindi naman siya pinababayaan ng mga ito, hindi niya maiwasang maramdaman na para bang siya lang ang naiwan.Muli siyang napatingin sa cellphone niya... Wala pa r

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 295

    "Okay lang naman magtampo," natatawang sabi ni Yaya Gloria. "Pero kumain ka muna bago ka magtampo nang todo."Napatingin sa kanya si Nikita. "Yaya naman!""Bilisan mo na ang pagkain diyan. Huwag puro drama. Pagkatapos mong kumain, masahehin kita. O kaya samahan kitang manood ng TV para hindi ka ma-bored habang hinihintay mo ang nobyo mo."Tahimik na tumango si Nikita. Muli siyang sumubo ng pagkain. Pero kahit pilit niyang ibinaling ang atensyon sa pagkain, hindi pa rin niya maiwasang sumulyap sa cellphone na nakapatong sa tabi niya.Umaasa pa rin siya... umaasang anumang oras ay magliwanag ang screen nito... maasang pangalan ni Kieran ang makikita niya. At higit sa lahat, umaasang maririnig niya ang simpleng mga salitang gusto niyang marinig mula rito.Sorry, baby. Hindi ako nakauwi. Miss na kita. Uuwi ako mamaya.Ngunit lumipas ang ilang minuto... Tahimik pa rin ang cellphone niya.“Gusto mo ba ng cheesecake?”Maya-maya ay biglang tanong ni Yaya Gloria habang inaayos nito ang mga pag

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 5

    Napatingin siya sa lalaki. Hindi niya alam na marami palang nakakakilala sa kanya... lalo na si Kieran, tinawag siya nito sa kanyang pangalan kanina.Pagdating nila sa wedding booth ay ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang doon din si Kieran at tila may hinihintay.“Bro, here’s your bride.”“H

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 4

    Napadilat siya nang marinig ang bulong ni Kieran. Napahiya siya dahil nakaawang pa ang kanyang mga labi, as if she wanted more. Hindi niya napansin na tapos na pala siyang halikan nito.“Get off me!" Tinulak niya ito palayo, pero parang walang nangyari, ni hindi ito gumalaw sa kinatatayuan.“Bakit

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 3

    FLASHBACK FIVE YEARS AGO (Fourth Year High School):“Kiss! Kiss! Kiss!”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nikita Valencia nang kunin ang kanyang piring sa mata. Nasa loob siya ng kissing booth, at ang kanyang kaharap ay walang iba kundi si Kieran Del Toro!Si Kieran ay ang kanyang long-time c

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 2

    Bakit naman kasi napaglaruan siya ng tadhana? Ang nag-iisang lalaking crush niya simula ng high school ay anak pa ng girlfriend ng kanyang ama!... and worst, magiging step-brother niya!Matagal na siyang inaawitan ng kanyang daddy na umuwi para siya naman ang tumulong sa negosyo, pero ayaw niya. Fl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status