Nanlaki ang kanyang mga mata sa tahasang pag-amin nito! Sa labis na gulat at pagkapahiya ay napabulok siya at naubo nang paulit-ulit.Mabilis siyang inabutan ni Kieran ng baso ng tubig habang patuloy na tumatawa. “Uminom ka muna.”“Ikaw talaga! Wag mo nga ako biruin nang ganyan!” saway niya pagkainom ng tubig, halos mag-apoy na ang kanyang mukha sa pula.“Hahaha! Sige na, hindi na,” pagsuko nito habang itinaas pa ang dalawang kamay, pero hindi pa rin nawawala ang kapilyuhan sa mga mata. “But in case you need me, I’m always available for you, Niks.”Bago ito bumalik sa maayos na pagkakaupo ay ginawaran pa nitong muli ng mahigpit na pisil ang kanyang pisngi, lalong nagpalala sa pamumula ng kanyang mukha.“Sige, gumala tayo,” biglang sabi nito, marahil ay napansing hindi na rin siya gaanong komportable sa naging biro nito kanina. “You can buy all you want. My treat.”Nanlaki ang kanyang mga mata. “Really?”“Yes, wifey,” sagot nitong seryoso ngunit may halong lambing. “From now on, ako n
Read more