“So, what’s the plan, Mom?” tanong ni Kieran sa kanyang ina na para bang wala itong ginawang anumang kababalaghan sa kanya ilang oras lang ang nakalipas.“I want to go shopping, anak,” sagot ni Tita Vivian. Pagkatapos ay bumaling ito kay Nikita, may masiglang ngiti sa mga labi. “Pwede mo ba akong samahan, Nikita?”“Sure po, Tita,” agad niyang sagot. “Sasamahan ko po kayo.”Napabuntong-hininga si Kieran at umiling-iling na para bang hindi makapaniwala sa narinig.“You girls really love shopping,” reklamo nito, bagaman halatang nagbibiro lang. “Kahapon ka lang nag-shopping, Niks.”Hindi niya napigilang mapangisi. “Eh, di ba sabi mo, bibilhan mo pa ako ng mall para araw-araw akong makapag-shopping?”Pagkasabi niya niyon ay tila biglang huminto ang mundo. Nanlaki ang kanyang mga mata.Oh, no! Agad niyang napagtanto ang kanyang pagkakamali. Hindi niya dapat iyon nabanggit sa harap ng kanilang mga magulang.Dahan-dahan siyang napatingin kay Kieran, ngunit huli na. Nakita na niyang nagkating
Read more