“Hey, lovebirds… get a room, you two!”Napatalon si Nikita sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses. Agad niyang itinulak si Kieran palayo sa kanya.Mabilis naman itong bumitaw, ngunit hindi na nakatulong iyon para maibsan ang kahihiyan niya. Ramdam niya ang init na umaakyat sa kanyang pisngi habang palinga-linga sa paligid.Diyos ko! Public display of affection sila sa loob ng bar! At ang mas nakakahiya, sa harap pa mismo ng napakaraming tao!Gusto niyang magtago sa ilalim ng mesa. Nang muli siyang tumingin sa direksyon ng nagsalita, nakita niya ang apat na lalaking papalapit sa kanila habang nagtatawanan… Sina Oliver, Chester, Marcus, at Philip. Halatang kanina pa pinapanood ng mga ito ang kanilang kalandian.“Kaya pala ang tagal n’yong dumating,” tukso ni Oliver habang nakangisi. “Naglalandian pa pala kayo rito.”“Of course not!” mabilis niyang depensa.Napatawa naman si Kieran, tila lalong natutuwa sa pagkataranta niya.“Of course we were,” bulong nito, sapat lang para siya ang
続きを読む