Kinabukasan, medyo late nang nagising si Nikita. Pagmulat niya ng mga mata, ilang segundo muna siyang nakatitig sa kisame habang pilit inaayos ang kanyang isip. Ngunit nang maramdaman niyang malamig at walang laman ang kabilang bahagi ng kama, agad niyang napalingon doon.Gaya ng inaasahan niya, wala na si Kieran. Hindi na siya nagulat. Alam niyang may trabaho ito at malamang ay maaga pa itong umalis para pumasok sa opisina.Bahagya siyang bumuntong-hininga bago bumangon mula sa kama. Malamang ay wala na rin ang kanyang daddy sa bahay. Iyon ang realidad kapag nasa Pilipinas sila. kung nasa America sila, kahit papaano ay mas nakakahanap ng oras ang mga ito para makapagpahinga at makasama siya. Pero dito sa Pilipinas, ibang-iba. Parehong abala ang kanyang daddy at si Kieran. Sunod-sunod ang mga meeting, business appointments, at kung anu-anong kailangang asikasuhinAt kahit alam niyang mahalaga ang trabaho ng mga ito, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng kaunting lungkot. Gayunpama
続きを読む