Naputol ang kanyang ngiti, napatingin siya rito. Matigas na naman ang ekspresyon ng kanyang daddy.“Wala ka ba talagang balak sabihin sa aming lahat na buntis ka? Akala mo ba matatago mo iyan sa amin habang buhay? Hindi ito maliit na bagay, Nikita!”Hindi siya nakasagot, ramdam niya ang bigat ng bawat salita nito. Hindi na ito galit, pero seryoso.“Alam mo bang ilang bagay ang maaaring mangyari sa iyo habang mag-isa kang humaharap sa lahat?” tanong ni Wesley. “You're carrying a baby. Hindi lang sarili mo ang iniisip mo ngayon.”Napayuko siya, alam niya iyon. Pero sa loob ng maraming linggo, iyon ang pinaniwalaan niyang kailangan niyang gawin… ang maging matatag, ang huwag umasa sa iba, at ang lutasin ang problema nang mag-isa. Hindi niya akalaing ang pagtatago niya ay lalo lang makakasakit sa mga taong nagmamahal sa kanya.Hindi pa man siya nakakasagot ay biglang nagsalita si Kieran.“Yes, Tito Wesley. Maging sa akin ay tinago niya rin. If I hadn't caught her, babalik sana ako sa Pili
อ่านเพิ่มเติม