“Sige na. Matulog na kayong dalawa,” muling paalam ni Kieran.“Goodnight, Kieran,” malanding sabi ni Elara.“Goodnight.”Muling tumingin si Kieran sa kanya bago tuluyang lumabas ng silid. “Goodnight, wifey.”“Goodnight…”Dahan-dahang nagsara ang pinto at nang tuluyan nang mawala si Kieran sa kanyang paningin, saka lang siya nakahinga nang malalim.Tahimik siyang napatingin kay Elara na ngayon ay komportableng nakahiga sa kanyang kama, na para bang walang anumang kakaibang nangyari. Samantala, pilit niyang pinapakalma ang sarili. Isang gabi lang... pero sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niyang maaaring hindi ganoon kadali ang isang gabing iyon.“So, bestie… kamusta naman ang buhay mo? And mind you, si Kieran talaga ang mapapangasawa mo, ha. How does it feel?”Tanong ni Elara habang komportableng nakaupo sa tabi niya. Sa kilos nito, halatang wala pa itong balak matulog anumang oras.Napangiti siya. “Okay naman. Siyempre, masaya.” Bahagya siyang napangiti habang naaalala ang fiance. “A
อ่านเพิ่มเติม