Mahigpit ang pagkakahawak ni Nikita kay Kieran matapos ang kanilang marubdob na sandali. Hindi niya mapigilan ang ngiti sa labi. Nakakapagod, oo, pero masaya… at higit sa lahat, ramdam na ramdam niya kung gaano siya kamahal ng lalaking nasa tabi niya.“Happy wifey?” tanong ni Kieran habang marahan siyang pinisil sa balikat.Lalo siyang sumiksik sa dibdib nito at napangiti. “Very.” mahina niyang sagot, sabay pigil sa tawa.Tumawa rin si Kieran at hinalikan siya sa noo. “Kaya huwag ka na magtampo, huh? Kasi palagi kong ipaparamdam sa’yo na ikaw lang ang priority ko. Palagi. Wala nang iba.”Tahimik siyang tumango. Marahil nga, siya talaga ang kailangang magbago. Baka masyado lang niyang binibigyan ng kahulugan ang mga simpleng kilos ni Elara. Baka wala naman talagang masamang intensiyon ang babae. Siguro, hindi lang siya sanay na may kahati sa atensyon ng kanyang daddy at, higit sa lahat, ni Kieran. Sanay siyang siya ang sentro ng mundo ng mga taong mahal niya.Pero ngayon, kailangan niy
続きを読む