Share

CHAPTER 337

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-10-14 22:59:07

Maya-maya ay kinapa niya ang bulsa at inilabas ang isang ekstrang key card. Iniabot niya iyon kay Elara.

“Here. Treat this place as your own. Make yourself comfortable.”

“N-Nakakahiya naman, Kieran.”

“No, huwag kang mahiya...” putol niya. “Sa pamamagitan nito, kahit paano ay makabawi naman ako sa mga nagawa ni Nikita sa iyo sa loob ng ilang taon.”

Bahagyang natigilan si Elara bago umiling. “Hindi naman ako nanghihingi ng kabayaran, Kieran. At saka, si Nikita naman ang may mga nagawa sa akin, hi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dani Kuys Flores
Kieran bat naging dakola g tanga at bobo na sya sa story haha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 337

    Maya-maya ay kinapa niya ang bulsa at inilabas ang isang ekstrang key card. Iniabot niya iyon kay Elara.“Here. Treat this place as your own. Make yourself comfortable.”“N-Nakakahiya naman, Kieran.”“No, huwag kang mahiya...” putol niya. “Sa pamamagitan nito, kahit paano ay makabawi naman ako sa mga nagawa ni Nikita sa iyo sa loob ng ilang taon.”Bahagyang natigilan si Elara bago umiling. “Hindi naman ako nanghihingi ng kabayaran, Kieran. At saka, si Nikita naman ang may mga nagawa sa akin, hindi ikaw. Wala kang kasalanan sa mga nangyari sa amin.”“Kahit pa.” Muli niya itong pinutol. “Magiging asawa ko na siya. At kapag nangyari iyon, magiging isa na kami. Kung may mga pagkukulang siya sa iyo, gusto kong kahit paano ay makatulong ako para mapunan ang mga iyon.”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy.“I love her so much, Elara. At dahil mahal ko siya, hindi ko siya kayang pabayaan. Ganoon din sa mga taong mahalaga sa kaniya.”Ngumiti si Elara, ngunit may kung anong pait na mabilis di

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 336

    Dahan-dahan niyang iniunat ang isang kamay at hinawakan ang kamay ni Elara. “Huwag ka nang umiyak,” mahinahon niyang sabi, bahagyang pinisil ang mga daliri nito bilang pagpapakalma. “Intindihin mo na lang muna si Nikita. Buntis siya, at alam naman nating maraming pagbabagong pinagdaraanan niya ngayon.”Napatingin sa kaniya si Elara.“Hindi ko sinasabing tama ang lahat ng ginagawa niya,” dagdag ni Kieran. “Pero sana, bigyan mo muna siya ng kaunting panahon. Baka sakaling masyado lang siyang emosyonal sa ngayon.”Mapait na ngumiti si Elara. “Ano pa nga ba?” mahina nitong sagot. “Iyan naman ang ginagawa ko simula pa noong high school. Ang intindihin siya. Ang magparaya. Ang unawain kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa akin.”Saglit itong tumingin sa kanilang magkahawak na mga kamay bago muling nagpatuloy.“Pero huwag kang mag-alala, Kieran. Hindi ako galit kay Nikita.” Bahagya itong ngumiti, bagaman nananatiling basa ng luha ang mga mata nito. “Mahaba naman ang pasensya ko sa kaniya

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 335

    Bahagyang napakunot ang noo niya.“Kapag naroon ka, siyempre, maganda ang ipinapakita niya. Mabait siya sa akin, at para bang wala kaming problema. Pero kapag wala ka na, iba na ang lahat.”Sandaling tumahimik si Elara bago muling nagsalita. “Ako ang taga-dala ng mga gamit niya, mga libro niya, mga bag niya, pati kung anu-ano pang dala niya. Kapag may kailangan siyang ipagawa, ako ang inuutusan niya. Minsan, kahit may sarili akong ginagawa, kailangan kong itigil iyon para lang asikasuhin siya.”Hindi makapaniwalang napatingin si Kieran sa babae.“Pero okay lang naman sa akin,” dagdag pa ni Elara, na para bang pilit na pinapagaan ang bigat ng mga sinasabi nito. “Binabayaran naman niya ako. At least, nagkakaroon ako ng pera para sa baon ko sa school.”Napamaang si Kieran. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Totoo ba ang lahat ng iyon? Hindi niya kailanman naisip na maaaring ganoon ang pakikitungo ni Nikita sa matalik nitong kaibigan. Sa pagkakakilala niya sa nobya, hindi ito ang tipo

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 334

    Napakuyom ang mga kamao ni Kieran sa tagiliran. Hindi niya maiwasang madismaya sa nakikita, ngunit wala rin siyang magawa kundi pigilan ang sarili. Hindi niya nais na muling magkaroon ng pagtatalo sa pagitan nila ni Nikita sa harap ni Elara.Mula sa kinatatayuan niya, tanaw pa rin niya si Nikita na tahimik na kumakain sa hapag-kainan. Nakatitig lang siya rito, umaasang kahit sa huling sandali ay mapapansin nito ang pag-alis ni Elara. Umaasang magbabago ang ekspresyon ng mukha nito pero lumipas ang ilang segundo, at wala pa ring nangyari... hindi man lang ito lumingon.Sa huli, wala siyang nagawa kundi tanggapin ang katotohanan na hindi niya maaaring pilitin ang nobya na kumilos ayon sa inaasahan niya.Muli siyang lumapit sa hapag-kainan. “Bye, wifey,” malumanay niyang paalam. “Ihahatid ko lang si Elara. Babalik din ako kaagad.”Bahagya siyang yumuko at akmang hahalikan sa pisngi si Nikita, gaya ng palagi niyang ginagawa bago umalis pero bago pa man magdikit ang kanilang mga labi, mabi

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 333

    KIERAN’S POV Nakatitig lang si Kieran sa blangkong mukha ng kaniyang nobya. Ilang sandali siyang hindi nakakilos, tila hindi pa rin makapaniwala sa unti-unting pagbabago ng ugali ni Nikita. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nitong maging ganoon katigas ang puso, lalo na sa isang taong itinuturing nitong matalik na kaibigan. Tama si Elara... nasa kay Nikita na ang lahat, ngunit bakit tila hindi pa rin ito kuntento? Bakit kailangan pa nitong saktan si Elara? Ano ba ang mapapala nito sa ganoong pag-uugali? Hindi ba nito nakikita kung gaano kaawa-awa ang kalagayan ng matalik nitong kaibigan? Bukod sa wala nang ibang malalapitan si Elara, may banta pa sa buhay nito. Sa halip na maging sandigan at takbuhan nito sa panahong kailangan nito ng tulong, si Nikita pa mismo ang nagiging dahilan ng pagdurusa nito. Kakayanin ba ni Nikita ang konsensiyang malaman na may nangyaring masama sa taong minsan nitong tinawag na matalik na kaibigan, gayong mayroon naman sana itong kakayahang tu

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 332

    Ang kapal naman ng mukha!Hindi nga siya naging komportable sa presensiya nito sa loob ng isang gabi, tapos ngayon ay gusto pa nitong gawing matulog sa kanilang kuwarto gabi-gabi? Talaga bang hindi nito naiisip kung gaano iyon kaasiwa para sa kanya?Bago pa siya makapagsalita, naunang tumawa si Kieran."Don't joke about it, Elara..." natatawang saway nito. "Baka mamaya, mapikon na naman itong si Nikita."Napalingon siya sa nobyo. Mapikon? Seryoso ba ito? Hindi pa man niya naipapaliwanag ang sarili ay tila nahusgahan na agad siya nito. At ang mas masakit, parang ipinahihiwatig pa nitong wala siyang ibang ginawa kundi magtampo at magreklamo.Pero hindi pa roon nagtapos si Kieran."Alam mo naman kung paano 'yan..." pagpapatuloy nito, nakangiti pa rin habang nakatingin kay Elara. "Ayaw niyang may kahati sa lahat ng bagay. She's used to getting what she wants, being the only child and all that."Napatitig si Nikita kay Kieran. Ano? Iyon ba talaga ang tingin nito sa kaniya? Na para bang isa

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 2

    Bakit naman kasi napaglaruan siya ng tadhana? Ang nag-iisang lalaking crush niya simula ng high school ay anak pa ng girlfriend ng kanyang ama!... and worst, magiging step-brother niya!Matagal na siyang inaawitan ng kanyang daddy na umuwi para siya naman ang tumulong sa negosyo, pero ayaw niya. Fl

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 1

    NIKITA MAGDRIGAL POV: "Keiran..." Halos pabulong na anas niya habang ang hininga ay naghahabol sa bawat dampi ng labi ng lalaki. "Yes, wifey? Masarap ba, hmmm?" malat na tanong ni Keiran. Ang boses nito ay parang humahaplos sa kanyang pandinig, mapanukso at puno ng pag-uudyok. "Baka... baka may

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 5

    Napatingin siya sa lalaki. Hindi niya alam na marami palang nakakakilala sa kanya... lalo na si Kieran, tinawag siya nito sa kanyang pangalan kanina.Pagdating nila sa wedding booth ay ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang doon din si Kieran at tila may hinihintay.“Bro, here’s your bride.”“H

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 4

    Napadilat siya nang marinig ang bulong ni Kieran. Napahiya siya dahil nakaawang pa ang kanyang mga labi, as if she wanted more. Hindi niya napansin na tapos na pala siyang halikan nito.“Get off me!" Tinulak niya ito palayo, pero parang walang nangyari, ni hindi ito gumalaw sa kinatatayuan.“Bakit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status