Lance Maaga akong nagising. Hindi dahil sa alarm. Hindi dahil sa trabaho. Nagising ako dahil ramdam ko ang init ng katawan ni Alice na nakasiksik sa dibdib ko, ang marahan niyang paghinga na tumatama sa leeg ko. Saglit akong nanatiling nakapikit, pilit iniukit sa isip ko ang sandaling iyon, ang payapang mukha niya, ang buhok niyang bahagyang nakakalat sa unan, ang paraan ng pagyakap niya sa akin kahit tulog. Kung pwede ko lang ihinto ang oras, ginawa ko na. Pero hindi pwede. Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa baywang ko at maingat na bumangon. Ayokong magising siya. Mas lalong ayokong magising si Kuya Lemuel.
Last Updated : 2026-04-28 Read more