LanceHindi ako sanay na hindi ako ang may kontrol ng sitwasyon.Sa boardroom, kaya kong paikutin ang usapan. Kaya kong baliktarin ang pressure. Kaya kong gawing pabor sa akin ang isang krisis.Pero sa harap ng galit ng isang ina?Ibang klase iyon.Hindi ako natalo.Pero hindi rin ako nanalo.Hindi na kami pinigilan ni Annabelle sa relasyon namin.Hindi siya pumayag, pero hindi na rin niya ipinagbawal.Ang ginawa niya ay mas mahirap.“Alice will move back with us,” malinaw niyang sabi habang nakatayo sa sala, hindi na galit pero matigas pa rin ang tono. “Kung gusto mo siyang makita, doon ka pupunta. Hindi sa apartment niya. Hindi sa condo mo.”Tumingin siya sa akin diretso.“At hindi na siya babalik sa MobTech.”Napalingon si Alice agad.“Mom, that’s not fair,” agad niyang sagot. “Internship ko ‘yon. Career path ko—”“Career path?” putol ni Annabelle. “Sa kumpanya ng boyfriend mo? Habang hindi pa malinaw ang lahat? No.”“Hindi niya ako binibigyan ng special treatment,” depensa ni Alic
最後更新 : 2026-05-11 閱讀更多