Hay ang saya saya ko. Pakiramdam ko ay isa akong ibon na nakawala sa hawla. Walang baril, walang tauhan, walang nakamasid. Kaya naman sobra akong nagenjoy sa biyahe kahit medyo maingay dahil sa ibang estudyante. May nagkakantahan sa bandang likod, may nagtatawanan, at merun ding mga tulogSi Dina, kasisimula pa lang ng biyahe ay tulog na agad. Samantalang ako ay nakasandal lang sa upuan, nakatingin sa bintana. At habang papalapit na kami ng papalapit sa destinasyon ay nakikita ko ang mga Pine trees, hamog, magagandang bahay na para kang nasa ibang bansa at mga matitirik na daan. Nakakatakot nung una pero habang tumatagal ay nagugustuhan ko na.Pagkatapos ng ilang oras na biyahe, pumasok ang bus sa isang malawak na parking lot ng isang media and arts center. Hindi ito raw ito ganun kasikat na tourist spot pero marami daw celebrities na pumupunta dito. Para itong maliit na museo tungkol sa local journalism at community broadcasting sa Baguio. Dito kami nagpunta kasi bahagi raw yun
Baca selengkapnya