Nang malapit na kami sa bus, saka ko lang ulit natanaw si Ate sa di kalayuan. Humahalo siya sa mga turista. Hindi siya nagmamadali. Parang normal lang siyang naglalakad gaya ng karamihan at hindi mo rin iisipin na may tinatakasan kung hindi mo alam ang kanyang sitwasyon. Pero dahil alam ko kung ano ang nangyayari, hindi nakawala sa paningin ko ang balisang kilos niya dahil may pinagtataguan. Palinga linga pa ito na tila ingat na ingat pero pilit pa rin na kumikilos ng normal. May hawak pa itong telepono, na tila may kausap. Maya maya pa ay may sumalubong ditong isang lalaki. At nang makalapit sila sa isa't isa ay para bang walang ibang tao sa paligid na basta na lang naghalikan. Kaya ganun na lang ang gulat ko dahil sa nakita.“So, may boyfriend si Ate kaya ayaw niyang magpakasal kay Leon?” bulong ko sa sarili.Mukhang kaedadan din lang niya si Ate. Siguro ay modelo rin yung lalaki dahil gwapo ito, matangkad at halatang may kaya rin sa buhay. Pero para sa akin, di hamak na
Read more