“Pasensya na... ” sabi ko na medyo hinihingal. Muntik na ko dun eh. Binitawan na niya ang braso ko. “Mag-ingat ka, hindi lahat pero may mga driver talaga na pasaway.” “Salamat.” sabi ko nang makabawi. Mas maayos na ang boses ko ngayon. Tumango ang lalaki. “Freshman?’ tanong niya. “Oo, halata ba?” Ngumiti ito, kaya naman mas lalo pa siyang gumwapo. “Medyo. Ibang klase yung tingin mo sa gate ng school.” sagot nito kaya natawa ako. “Sige, kung gusto mo sabay ka na. Papasok din ako.” aya nito sa akin. Hindi maangas ang pagkakasabi niya. Gentleman at walang yabang. Kaya hindi ako nagdalawang isip na sumabay. Saka marami din naman kaming ibang kasabay na estudyanteng naglalakad. Pagpasok namin sa loob ng campus, mas ramdam ko na ang energy. Maraming grupo ng mga estudyante ang nagkukwentuhan, may mga nakatambay sa ilalim ng puno at may mga booth sa gilid na namimigay ng flyers. Naidasal ko tuloy na sana lang next year, may mga kaibigan na rin ako dito gaya nila. Ang sarap kasi
Read more