Cacai POV Gaya ng sabi ni Papa, sinamahan ako ni Ate Larah na mamili ng mga damit. Magaganda yung mga damit na pinili siya. Kasi kung ako, simpleng tshirt, pants at shorts lang ang bibilhin ko. Sa Ate Larah, parang alam na alam niya ang kanyang ginagawa. Habang nagshosopping kami, ikinuwento niya sa akin na dating stylist nga daw siya ng mga baguhan artista sa isang talent agency. Isang papasikat na actor daw ang lihim niyang naging kasintahan. Pero kumalat daw ang litrato nila noon sa sociual media at naging trending pa. Nabash daw siya ng sobra na halos magkatrauma siya. Ang malala pa ay dinenay siya ng lalaki. Kaya lalong naging masama ang imahe niya sa social media. Dahil dun ay nawalan na ito ng gana sa kanyang trabaho. Sakto namang nagkasakit si Yaya Binay, ang ina nito. Kaya nagboluntaryo siyang pumalit sa trabaho nito na pinagbigyan naman ni Papa. “Paano yan Ate kapag dun ka lang sa bahay baka dika na makapag-asawa.” “Hindi na ako magkakaanak, nagkasakit ako at kinail
Read more