Sabado, sa bahay ng mga Alcantara… Nakaayos na ang bag ni Cacai, ilang damit, toiletry, at mga kailangan para sa isang gabing outing. Nang magpaalam siya sa ama na may outing sila ay agad naman siya nitong pinayagan lalo na at alam nitong schoolmates at ilang guro lang naman ang kasama nila. Sinabihan lang siya nito na mag-ingat. Sa kama, nakaupo si Dina habang naglalaro ng online game sa cellphone. “Kumpleto na?” tanong nito. “Okay na.” sagot ni Cacai habang sinasara ang bag. Kahapon pa si Dina dumating at dito natulog sa bahay nila, katabi niya. Lagi naman itong dumadalaw sa bahay nila kapag wala itong ginagawa sa mansyon. Lalo na ngayon na may pupuntahan sila. Kilalang kilala na rin ito ng mga kasama nila dito sa bahay. Ilang minuto pa ay bumaba na sila. “Ingat kayo dun.” bilin ni Larah nang magpaalam siya dito. “Opo. Ate Larah kaw na bahala kay Papa.” pabirong sabi niya na tinawanan lang ni Larah. Pagdating nila sa labas ay nakahanda na ang sasakyan. Naghihintay na sa
Baca selengkapnya