LOGINThanks for dropping by....
Kinabukasan, kumakain si Cacai ng almusal. Korean instant ramen ang nasa kanyang harapan. Yung may halong gulay at itlog. May kimchi sa isang maliit na bowl. Gumagamit din siya ng chopstick. Sarap na sarap siya sa pagkain habang nakatuon ang tingin sa telebisyon na nasa wall. Ang pinapanood niya ay isang korean drama. At feel na feel niya ang panonood dahil sa kinakain niya. Napapangiti ang mga kasambahay na naroon.“Kasalanan nyo ‘to Larah. Ikaw ang nag introduced sa kanya ng mga ganyang palabas. Ayan na-obsessed na.” pagbibiro ni Aling Nora pero pati naman ito ay nakaupo rin sa harap ng mesa at kumakain ng ramen habang nanonood. Hindi lang siya, pati ilang kasambahay ay nasa mesa rin gaya niya.Ngiti lang ang itinugon ni Larah saka sumubo na rin ng noodles dahil naroon din siya para kumain at manood ng favorite nilang drama.“Mamaya, mandu naman.” sabi ni Cacai na ang tinutukoy ay ang korean dumplings. Tapos ay muling ibinalik ang atensyon sa telebisyon.Nang matapos ay siya na r
Maingay ang loob ng disco bar. Malakas ang tugtog, nagkikislapan ang ilaw at halos mapuno ng mga taong nagkakasiyahan ang buong lugar. Sa isang VIP table ay naroon si Jamie at ang kanyang mga modelo kabilang na roon si Victoria. Mula trabaho ay dito na sila dumiretso.May mga hawak silang baso ng wine.Nagsalita si Erika.“Wait lang.., bakit ba talaga tayo narito? The other night lang galing na tayo dito…. Parang hindi ikaw yan Jamie ha. Napaka-strict mo pagdating sa ganito lalo kapag may on-going tayong photoshoot.”“Ano bang meron?” curious ding tanong naman ni Mandy.Napangiti si Jamie at halata ang excitement sa bagay na gusto niyang ibalita. Uminom muna siya bago tumingin sa mga kasama.“Jamie.., ano ba yan? Pasuspense ka pa ha.” inip na sabi ni Mandy.Hindi pa rin agad nagsalita si Jamie. Sa halip ay dahan dahan siyang tumingin kay Victoria.“Vic..” aniya.Tumahimik ang grupo.“Sorry if I upset you about your engagement with Chairman Aragon.”Hindi sumagot si Victoria. Nakating
Kinabukasan.., sa loob ng opisina ni Leon nakaupo at nakasandal siya swivel chair sa harap ng desktop. Nasa screen ang quarterly report na ipinasa sa kanya para ireview bago i-finalized.Maya maya ay bumukas ang pinto. Pumasok si Mathew na may dalang dalawang kape galing sa cafe na nasa loob mismo ng building nila. Dire-diretso siya palapit sa mesa ng Chairman.Napangiti si Mathew nang mapansin ang itsura ng amo. Nakaharap ito sa screen ng computer pero halatang wala doon ang isip nito at hindi maitatanggi ang ngiting buhay na buhay na hindi normal na makikita dito.“Good mood tayo Boss ah.” anito at inilapag ang isang tasa sa harap ni Leon. Saka lang siya napansin ni Leon.“Mukhang maayos ang pagkikita kahapon ah.”“Hmm..” tugon ni Leon bago kinuha ang kape.Umupo si Mathew sa harap ng mesa, relaxed ang kanyang postura na para bang nakikipagkwentuhan lang sa isang kaibigan. Matagal na rin kasi silang magkasama. Kaya komportable na sila sa isat isa at parang magbarkadang mag-usap
Umiinit na naman ang ulo ko dahil sa sinabi ni Emz Dalasic Guzman na nakakawalang kwenta daw dahil sa tagal ng update. Sa una pa lang sinabi ko nang Monday to Friday ang update ko. Day off ako kapag weekends. Pero itinuloy mo pa rin ang pagbabasa mo tapos magrereklamo ka. Gustong gusto mong basahin ang story ko dahil iilan lang ako sa mga writers na nagsusulat ng non-toxic romance novel. Goal ko na mabigyan kayo ng non-toxic na kwento dahil deserved nyo ang kwentong hindi pasasakitin ang puso nyo. Kaya naniniwala ako na hindi ko rin deserve ang toxic na komento mula sa inyo. Okay lang na icriticized nyo ang plot at mga tauhan sa kwento. But direct attack to me is unacceptable. Wala namang toxic sa story ko. Ang toxic lang ay yung mga readers na hindi kayang kontrolin ang emotion nila. May anger issue ba kayo? wag kayong magtiis dito sa account ko. Maraming kwento diyan na pagpipilian nyo. I'm sorry but I have the right to excercise my rights. Hindi ba't maging kayo ay ipinaglalaba
Nang sumunod na araw, abala lahat ng crew sa photoshoot ng Pacific Air. Habang busy ang lahat sa trabaho, dumating si Lilet, ang assistant promotional manager ng Pacific Air. Siya ang kakilala ni Jamie kaya napili ang team niya para maging campaign models ng airline. Nagtiwala si Lilet sa agency ni Jamie dahil sa kilala niya ang kalidad ng mga modelo na hawak nito. Kaya hindi na siya nagpa-audition pa. Lumapit siya sa area kung saan naroon ang director at creative team na nagbibigay ng suggestions at ideas para sa overall design ng promotional concept. Maging si Jamie ay naroon din. “Ang gaganda… Tama lang talaga na team mo ang kinuha ko.” nakangiting sabi ni Lilet habang nakacross ang mga braso at pinapanood ang photoshoot ng mga models/ halatang satisfied siya sa nakikita. Napangiti tuloy si Jamie dahil sa narinig. “Thank you. Pang world class talaga ang mga angels ko.” sagot niya na may pagmamalaki dahil totoo naman talaga yun. Hindi inalis ni Lilet ang tingin sa set at
Malakas ang tugtog sa bar, pero mas malakas ang presensya ni Victoria. Nasa gitna siya ng VIP table, may hawak na baso ng wine at sunod sunod ang inom. Wala na siyang pakialam sa paligid. Basta ngayon ay inilalabas niya ang inis at sama ng loob. “Isa pa.” sabi niya at itinaas ang baso ng wine. Nagkatinginan tuloy ang mga kasamahan niya. “I messed up… big time..” anitong siya lang ang nakakaunawa ng kanyang sinasabi. Hindi naman niya masabi sa mga kasamahan dahil katangahan ang kanyang nagawa. Ang pakawalan ang isang Leon Aragon. Ang lalaking pinapangarap ng lahat. Nasa kamay na niya, pinakawalan pa niya. “Vic, that’s enough.” pigil ni Jamie. Pero hindi siya pinansin ni Victoria. Inubos nito ang laman ng baso bago ibinagsak sa mesa saka matalim na tumingin dito. “Kasalanan mo ‘toh!” lasing na sabi niya kay Jamie. “Ha?” gulat na ani Jamie. “Ikaw ang may sabing si Leon yung kausap ni Dad. Pero it turned out na father niya pala yung kausap natin.” bulalas ni Victoria na d
Nandito pala siya. Akala ko ba hindi siya dito nakatira? Nakita ko siyang pumasok sa isang pinto. Kahit malayo tanaw ko na parang hindi naman silid yun dahil pagbukas niya ng pinto ay may mga baitang ng hagdan. Ano kayang merun dun? “Huy…, anong sinisilip mo dyan?” Nagulat ako nang may bi
“Ayan po, may dasal na yan. Kaya pwede nyo rin pong gamiting anting anting yan. Pampahaba ng buhay kaya hindi ka na po ulit tatamaan ng kahit ano.” wika ng batang si Iska na may matamis na ngiti….. Napabalikwas si Leon sabay sapo sa dibdib. Saka niya narealized na panaginip lang pala pero lahat na
Hindi na nila hihintayin pa sina Ate Tesa dahil nag-aani pa ang ito ng mais kasama ang asawa. Nagpasalamat at nagpaalam naman sila sa dalawa bago ang mga ito umalis kanina. Hindi na rin nila dinala pa ang gym bag. Puro gamot lang naman ang laman nun kaya iniwan na lang nila yun sa kubo. Masyado r
Kinabukasan... Nakangiwi ang mukha ni Leon habang nakatingin sa motorsiklong hawak ni Cacai. “Sigurado ka, dyan tayo sasakay?” tanong ng lalaki na tila hindi makapaniwala. Halatang may kalumaan na ang motorsiklo, maliit at yung tipong mumurahin. Buong akala ni Leon ay sasakyan na pwedeng rentaha







