Samantala.. Nasa gilid ng kama si Cacai habang kumakain. May maliit na mesa sa tabi at doon nakapatong ang pagkain na dinala ni Leon. Medyo mabagal pa rin ang pagkilos niya dahil sa sakit ng katawan. Pero mas maayos na ang pakiramdam niya kumpara kanina matapos uminom ng pain reliever. Sa kabilang parte ng kwarto ay kausap naman ni Leon si Dra. Mae Santos na kakatapos lang na suriin siya. Nakatayo ang doktora habang si Leon ay bahagyang nakaharap dito at tahimik na nakikinig. “Chairman, huwag mo muna siyang gagalawin–” “What?” agad na putol ni Leon na tila gulat. “Nilalagnat siya dahil sa trauma sa vaginal area. May laceration dahil sa intercourse. Normal lang yan sa first time, pero kailangan magheal muna. Kung uulitin nyo agad, pwedeng lumala ang sugat, magcause ng infection at mas matagal ang recovery.” paliwanag nito. Hindi sumagot si Leon. “Give her time to heal. At least several days up to one week, depende sa response ng katawan niya., May ibinigay akong antibiotic
Read more