Naalala ni Dina noong may mangyari sa kanila ni Liam. Tinangka rin niyang tumakas noon. Kaso nakita na siya nito bago pa man siya makaalis. Isa pa, paano siya makakaalis noon? Eh sa sobrang pusok ni Liam, nasira nito ang damit niya noong gabing yun kaya imposibleng maisuot pa niya. “Sana hindi ka umalis para nagkapag-usap kayo.” “Ayoko nga, nakakahiya. Saka ayokong mapahiya.” “Bakit naman?” “Baka kung ano pa ang marinig ko sa kanya. Alam ko naman na kung hindi nalasing si Sir Rafael, hindi niya ako papatulan.” Kung iba lang ang sitwasyon ay baka nabatukan n na ni Dina ang pinsan dahil sa panghahamak nito sa sarili. “Wag ka ngang ganyan. Malay mo, panagutan ka pala nya kung nag-usap lang kayo.” sabi niya rito. “Bakit? Totoo naman ah.. Boss ko siya, empleyado lang ako. Langit siya, lupa ako. Gwapo siya…., ako…, mabait.” sambit ni Jing saka malakas na suminghot bago muling nagsalita. “Ni hindi nga nya alam ang pangalan ko sa dami ng empleyado niya. Nakita mo naman siya diba?” wika
Última atualização : 2026-10-09 Ler mais