ANMELDENYan na po ang Friday's update. See you on Monday. Have a great weekend po. God bless...
Samantala, kadarating lang ni Dina sa malaking bahay upang sunduin si Lian. Nagpahatid siya sa kuya Ariel niya.Pagbaba niya ng sasakyan ay napansin niyang may ilang magagarang kotse sa harap ng bahay.“Nanay Edna, may handaan po ba?” tanong niya sa matandang kasambahay na una niyang nakita pagsilip sa pintuan.“Oo, Andeng. May family gathering nila ngayon. Pinag-uusapan ang engagement ni Senyorito Liam at Miss Kendra.”Napahinto si Dina.“Engagement?”“Oo. Nandito ang vice governor at si Miss Kendra para pag-usapan ang engagement nila.”“Ah, ganon po ba? Sige po, susunduin ko lang si Lian.” mahinang sagot niya. Pinapasok siya ni Aling Edna. Hindi na sana siya papasok pero mukhang abala ang lahat kaya siya na mismo ang kukuha sa anak.Pagpasok ay narinig niya ang boses ng isang babae.“Okay, one more picture!”Napatingin siya sa sala.Doon niya nakita sina Liam at Kendra na magkatabi habang kinukuhanan ng litrato kasama ang iba pang mga naroon.Napahinto si Dina. Nagulat sa nakita p
“Liam, are you even listening?” iritang tanong ni Danilo.Agad na pumagitna si Kendra at pinakalma ang ama. Kahit alam niyang hawak nilang mag-ama ang baraha, ayaw din niyang bigla na lang umayaw si Liam dahil lang sa hindi pagkakasundo sa maliit na bagay. Kapopost pa naman niya sa group chat (GC) nilang magkakaibigan.., at sinabi niya sa mga ito na pinag-uusapan na ngayon ang darating nilang formal engagement ni Liam. Nagsend pa nga siya ng picture ni Liam na patago niyang kinunan upang ipakita sa chat.Kilala kasi ng mga kaibigan niya si Liam dahil magkakababayan sila. At alam niyang maging ang mga ito ay gaya niyang may paghanga rin sa binata. Kaya naman siya ang panalo sa kanilang lahat.“Dad, Liam isn't really into these things. I'll take care of the preparations.” singit ni Kendra upang alisin ang tensyon.Hindi agad sumagot si Danilo. Tiningnan nito ang binata na hindi man lamang nag-abalang itago ang cellphone.“Liam, please…” bulong ni Famita dahil kanina pa niya nararamdama
Pag-uwi ni Dina, alam niyang nakabalik na ang kanyang mga magulang kaya hindi na siya tumuloy sa bahay ng tiyahin niyang si Neneth, na pinag-iwanan niya kay Lian kaninang umaga.“Nanay, nasaan po si Lian?” tanong niya kay Aling Minda.“Sinundo raw ni Seyora Fatima kanina.”Napahilot sa noo si Dina. Nakalimutan niyang ibilin sa mga ito na huwag munang dalhin doon si Lian habang naroon si Imelda.“Bakit, anak? May problema ba?”“Wala naman po, Nay. Susunduin ko na lang siya.”Hindi na niya sinabi sa ina ang tungkol kay Imelda. Mas kailangan muna niyang kunin si Lian at ihanda ito sa pagkikita nilang mag-ama.Ngayon pa lamang ay kinakabahan na siya. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag sa anak.Hindi pa niya nasasabi sa mga magulang ang tungkol kay Liam. Mamayang gabi na lamang niya ikukuwento ang lahat. Siguro mas mabuti kung isasama na rin dito sa bahay si Liam para sabay silang humarap at magpaliwanag sa mga magulang.“Sige po, Nay. Pupuntahan ko muna si Lian.”“O,
Bandang hapon sa malaking bahay….“What engagement?” bulalas ni Liam.“Liam, please. Hinaan mo ang boses mo.” pigil dito ni Fatima.“You invited Kendra's family here to discuss our engagement without telling me?” hindi makapaniwalang aniya.“Makinig ka muna–”“No, Mom. We've talked about this. I'm not marrying that woman.”Napabuntong-hininga si Fatima. Matapos kasi nilang mag-usap Luz Lucerno, ay nagdilang anghel ito nang sabihing baka siya na ang sunod na kausapin ni Danilo. At hindi nga ito nagkamali. Pinuntahan siya ni Daqnili para sabihin ang pagnanais nitong kunin ang chairmanship. Kampante itong mananalo, at alam ni Fatima na mas malaki ang posibilidad na mangyari yun.Pero sinabi ni Danilo may paraan para hindi ito tumakbo…, pero sa isang kondisyon. Yun ay ang pakasalan ni Liam ang anak nitong si Kendra. Wala yun sa plano ni Danilo, ngunit kanina lang ay kinausap siya ni Kendra upang hiligin ito. Dahil ito lang ang paraan para mapapayag si Liam. Napipilitang pumayag si Da
“Where do you want to eat?” tanong ni Liam matapos buhayin ang sasakyan.“May alam akong kainan. Ituturo ko na lang sa 'yo.” tugon ni Dina“Okay.”“Karinderya lang 'yon.”“I don't mind.”Napangiti si Dina habang kinakabit ang seat belt. Pagdating sa karinderya, siya na ang umorder para sa asawa. Siya naman ang dating nagluluto ng pagkain nito kaya alam niya kung anong mga gusto at ayaw nito.“Masarap?” tanong ni Dina.“Very.” tugon ni Liam.Tumango tango si Dina. “But I like your cooking more,” dagdag ni Liam bago muling sumubo.Napangiti si Dina at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi sila ngtagal dahil kailangan din niyang bumalik sa trabaho. At makalipas nga ang ilang sandali ay nakaupo na silang muli sa loob ng sasakyan sa tapat ng opisina nila sa munisipyo.Bago bumaba, napatingin si Dina sa oras sa dashboard.“Liam?” panimula niya.“Hmm?” “May gagawin ka mamayang six?”Napalingon ito sa kanya.“No. Why?”“May gusto sana akong sabihin sa 'yo.”“What is it?”“Mamaya na. Diba sabi ko,
Samantala, balik OJT na si Dina sa munisipyo. Lunch break na kaya inayos na niya ang mga gamit niya. Napansin niyang nagbubulungan ang dalawang kasamahan habang nakatingin sa labas ng bintana. “Andeng, may naghihintay na naman sa 'yo.” “Ang gwapo talaga!” dagdag pa ng isa na tila kinikilig. Napangiti si Dina. Hindi na niya kailangang itanong kung sino ang tinutukoy ng mga ito. Nang sumilip siya sa bintana, agad niyang nakita si Liam. Nakatayo ito sa tabi ng sasakyan, nakasuot ng light blue long sleeved shirt na nakatupi hanggang siko at dark trousers. Ang isang kamay nito ay nakasuksok sa bulsa habang ang isa naman ay may hawak na cellphone. Bahagya itong nakayuko ito habang nagtitipa ng cellphone. Tumunog ang cellphone ni Dina nang may dumating na message. Agad niyang binasa yun ay nakita niyang si Liam ang nagpadala nun. FROM LIAM: I’m outside. Nakapagat siya ng labi. Hindi siya nagreply. Pinanood na lang niya ang asawa mula sa malayo dahil ang sarap nitong titiga







