Ralia POVSafe na sa kamay namin ang mga naging picture namin ni Aleron. Mahusay na nadala ni Imee iyon dito sa mansion.“Good job, Imee,” masaya kong bati sa kaniya.Nandito na rin si Manager Julie. Stress siya sa nangyari, pero nakahinga na rin ng maluwag dahil sa ginawa ni Imee.“At dahil diyan, bibigyan kita ng bonus, Imee,” sabi naman ni Mama Kay Imee. Binigyan niya ito ng cheke na agad namang ding tinanggap ni Imee.“Hala, Madam, ang laki naman po nito!” Namimilos ang mata ng personal assistant ko.Ngumiti lang si Mama sa kaniya. “Deserve mo ‘yan, Imee, dahil goodjob ka. Kung hindi mo ginawa ang pag-copy ng mga picture nila Ralia at Aleron, tiyak na uulitin lang nila ang mga nasayang na litrato, kaya, sige, tanggapin mo na ‘yan.”“Salamat po talaga, Madam. Sobrang laki nito. At ang totoo din po ay nasa ospital ang nanay ko, may pangbayad na ako sa hospital bill niya,” naiiyak na sabi ni Imee. Lalo akong natuwa kasi mukhang naging way iyon para masolosyunan ang problema niya.“Ta
Terakhir Diperbarui : 2026-02-01 Baca selengkapnya