Share

Chapter 24

last update Last Updated: 2025-12-16 16:57:55

Ralia POV

Nagpa-monthly ako sa gym ngayong araw.

Itutuloy ko na ang pagbabalik-alindod lalo. Tutal ay nakaka-stress ang pag-stay nang matagal sa bahay, mabuti pang maglagi na lang ako sa paggi-gym at pagda-diet. Nang sa ganoon ay malibang din ako.

Gusto kong magpa-sexy pa lalo, para mas ganado ako kapag may nangyari ulit sa amin ni Aleron.

Kanina, bago pumasok sa work si Guison, kinausap niya ulit ako. Ang sabi niya, wala siyang nilalanding iba. Masama lang daw talaga ang loob niya sa pagkawala ng first baby namin. Nagtaka pa nga ako kasi humalik siya kanina sa pisngi ko.

Pero, iba pa rin ang kutob ko. Alam kong kaya niya ginagawa iyon ay para itigil ko ang mga plano ko. Parang itigil ko ang pagpapa-sexy lalo. Hindi mangyayari ‘yon, itutuloy ko ito sa ayaw at gusto niya.

Pagdating ko sa gym, bumungad agad sa akin ang malamig na hangin at amoy ng bakal, pawis, at disinfectant. Nakakapanibago. Matagal na rin mula nang pumasok ako sa ganitong lugar. Dati, kapag may nag-aaya sa akin mag-g
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 29

    Aleron POVKahit pa paano, malilibang ako ngayong araw. Mabuti na lang at hindi na maga ang mga mata ko. Nasa studio ako ngayon para sa isang magazine photoshoot.Nagdatingan na ang ibang staff kaya binubuksan na ang mga ilaw. May nag-aayos na rin ng reflector. May stylist na naglalakad sa likod ko, hawak ang clipboard. Naghahalo-halo na rin ang amoy ng hairspray, kape. Halos lahat kasi ay may kani-kaniyang kape.Excited ako kasi Topless ang datingan ko. Underwear lang ang suot, kapag ganito ang photoshoot. Palagi kong tinatanggap ang ganitong trabaho, para palagi ko ring nababalandara sa publiko kung gaano kaganda ang katawan ko. Sa ganitong paraan, baka sakaling makuha ko ulit ang atensyon ni Ralia. Kahit alam kong nagpapaloko na naman siya sa kaibigan ko.Pagkatapos akong ayusan ng makeup artist ko, nag-start na rin kami. Puno na naman ng langis ang katawan ko.“Okay, Aleron,” sabi ng photographer. “Relax lang. Natural.”Tumango lang ako. Huminga ako nang malalim habang inaayos ng

  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 28

    Ralia POVGumagawa ako ng fruit shake nang mag-ring ang phone ko. Nasa lapag lang ito ng lamesa kaya agad kong nakita kung sino.Si Felicity.Hininto ko muna ang pagbe-blender at saka ko sinagot ang phone call niya sa akin.“Oh, Felicity, napatawag ka ata ng ganitong kaaga?” bungad ko sa kaniya.“Girl, nandito kami ni Borgie sa labas ng bahay mo. Pagbuksan mo kami, now na,” sagot niya, kaya nagulat ako.“Mga baliw na ‘to!”Agad akong lumabas ng pinto. Natawa na lang ako nang matanaw ko silang kumakaway sa labas ng gate. Binaba ko na rin ang linya ko.“Anong ginagawa ninyo rito?” tanong ko nung binuksan ko na ang gate.May dala-dala silang milktea at pizza. Napairap tuloy ako. “Chikahan tayo,” sagot ni Felicity.“Saka, oh, may dala kami, siguradong matutuwa ka rito,” sabi pa ni Borgie.“Hindi na ngayon. Diet ako at naggi-gym na,” sagot ko, habang papasok kami sa loob ng bahay. Si Borgie na ang nag-lock ng gate.“Ay, akala mo talaga mapapanindigan ang pagiging healthy,” kontra naman aga

  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 27

    Aleron POVAko ang kauna-unahang nasa gym. Kahit walang tulog, nagpunta pa rin ako para maglibang. Simula kagabi, wala akong maayos na tulog dahil kay Ralia. Hindi ko matanggap na ang aga naming natapos. Hindi ko inaasahang magkakaayos pa ulit sila ni Guison.Kalalaking tao ko, napaiyak ako kagabi ni Ralia. Nung sabihin niyang huwag na raw akong mangulit, tumaas ang balahibo ko at talagang nabiyak ang puso ko. Doon ko lalo napagtantong gustong-gusto ko siya. Na sobra akong nanghihinayang dahil ang aga niya akong inayawan.Tumingin ako sa salamin ng gym pagkatapos kong magbuhat ng barbell. Kung titignan, halata ang pamamaga ng mga mata ko. Halatang nag-iiyak ako kagabi. Sa ganitong edad pa talaga ako na-broken. Sa ganitong edad pa talaga ako nakaranas ng ganito. Iba ang epekto ni Ralia sa akin, sobra, para kaming dalaga’t binata.Nag-ring ang phone ko kaya dinampot ko ito. Tumatawag si Jason, kaya agad kong sinagot.“Oh?” bungad ko sa kaniya.“Nakita mo na?” tanong niya, kaya nagtaka a

  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 26

    Ralia POVPatulog na ako nung mag-ring ang phone ko. Mabuti na lang at naliligo si Guison, kaya nasagot ko agad. Lumabas ako sa kuwarto at pumunta sa sala.“Aleron, huwag ka munang mangulit, please. Nagiging okay na kami ni Guison. Pasensya na,” sagot ko agad sa kaniya.Narinig kong bumuntong-hininga siya. “Kaya pala hindi ka na nagpaparamdam at sumasagot. Nalungkot ako bigla.”Nakunsensya naman ako. Alam ko ang nararamdaman niya ngayon. Eh, ganoon naman siguro talaga.“Sorry,” sabi ko na lang.“Okay lang, tanggap ko naman. Sige, hindi na ako mangungulit, pero kung kailangan mo ako, nandito pa rin ako,” sabi niya habang ramdam na ramdam ko ang pagkalungkot sa boses niya.Hindi na ako sumagot. Binaba ko na lang ang linya ko at baka kasi lumabas na sa banyo ang asawa ko.Excited akong mahiga. Kasi pakiramdam ko, may mangyayari sa amin ni Guison. Kanina nga, habang nasa banyo ako sa may kusina, nag-ugas akong mabuti at naglinis ng katawan, ‘yung kunyari ay wala akong ligo. Na para bang n

  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 25

    Ralia POVTinolang manok ang niluto kong dinner. Alam kong pauwi na si Guison, kaya maaga akong nagluto. Sa totoo lang, ayokong kumilos at ramdam ko na rin kasi agad ‘yung pagod sa nangyaring paggi-gym ko kanina. Pero dahil ayokong pagsimulan ng away ulit namin ang hindi ko pagluluto ng ulam, nagluto na ako para walang mangyaring gulo.Saktong nung sinara ko ang kalan ay narinig ko na ang sasakyan ni Guison. Papasok na ito sa parking area namin. Dahil dun, naghanda na ako ng plato, spoon at fork sa lamesa. Pati na rin baso at mainis na kanin.Pagpasok niya sa loob, nagulat ako. “Good evening, nag-uwi ako ng paborito mo,” sabi niya habang sweet ang boses. Nilapit niya sa akin ang dala-dala niyang tatlong box ng bukopie.Nang tignan ko siya, maaliwalas ang mukha niya at nakangiti sa akin.“Anong mayroon?” tanong ko nang tanggapin ko naman ang bukopie. Marupok ako pagdating sa paborito kong pagkain.“Hindi mo pa ba napapansin, bumabawi. Alam kong nagtampo ka nung hindi kita pinasalubunga

  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 24

    Ralia POVNagpa-monthly ako sa gym ngayong araw.Itutuloy ko na ang pagbabalik-alindod lalo. Tutal ay nakaka-stress ang pag-stay nang matagal sa bahay, mabuti pang maglagi na lang ako sa paggi-gym at pagda-diet. Nang sa ganoon ay malibang din ako.Gusto kong magpa-sexy pa lalo, para mas ganado ako kapag may nangyari ulit sa amin ni Aleron.Kanina, bago pumasok sa work si Guison, kinausap niya ulit ako. Ang sabi niya, wala siyang nilalanding iba. Masama lang daw talaga ang loob niya sa pagkawala ng first baby namin. Nagtaka pa nga ako kasi humalik siya kanina sa pisngi ko.Pero, iba pa rin ang kutob ko. Alam kong kaya niya ginagawa iyon ay para itigil ko ang mga plano ko. Parang itigil ko ang pagpapa-sexy lalo. Hindi mangyayari ‘yon, itutuloy ko ito sa ayaw at gusto niya.Pagdating ko sa gym, bumungad agad sa akin ang malamig na hangin at amoy ng bakal, pawis, at disinfectant. Nakakapanibago. Matagal na rin mula nang pumasok ako sa ganitong lugar. Dati, kapag may nag-aaya sa akin mag-g

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status