Ang Mindoro ay naging sentro ng isang digmaang hindi kailanman inakala ng mundo. Sa isang dako, ang "Glow Up Legion" ni Genesis Maria—libu-libong mga clones na may mukha ni Ria, nakasuot ng puting armor, at gumagalaw nang may mechanical precision. Sa kabilang dako, ang "Valdez Resistance"—mga dating empleyado, tech experts, at mga pamilyang winasak ng mga Soliven na ngayon ay armado ng mga prototype na sandata ni Ricardo Valdez.Sa gitna ng kaguluhang ito, nakahiga pa rin si Javi sa dalampasigan, inaalalayan ni Gabriel. Ang kaniyang mga sugat mula sa laser shots ay nagsisimulang maghilom sa isang bilis na hindi makatao, dahil sa gintong rosas na tumubo mula sa kanilang dugo. Ang rosas na iyon ay hindi lang dekorasyon; ito ay isang "Biological Catalyst" na nag-uugnay sa kaluluwa nina Javi, Gabriel, at ng nakakulong na si Ria."Daddy, don't move. The rose is healing you," bulong ni Gabriel, ang kaniyang mga kamay ay lumiliwanag din ng kulay ginto."Gabriel..
最終更新日 : 2026-02-14 続きを読む