Alas-diyas ng umaga nang dahan-dahang tinanggal ng doktor ang mga benda sa mata ni Javier Elizalde. Sa loob ng silid na iyon ng ospital, ang hangin ay tila naghihintay, pigil ang hininga ng bawat taong naroon. Para kay Ria, na nakatayo sa pinakamadilim na sulok ng silid, ang bawat ikot ng puting tela ay tila isang segundong paghatol sa kaniyang tadhana.“Dahan-dahan, Mr. Elizalde. Huwag mong biglain,” paalala ni Dr. Valdes.Nang tuluyang mahulog ang huling sapin ng benda, kumurap-kurap si Javi. Ang kaniyang mga pilikmata ay nanginig, sumasabay sa pintig ng kaba sa dibdib ni Ria. Sa loob ng ilang linggo, siya ang naging anino ni Javi. Siya ang naging boses na nagpapakalma sa kaniyang mga bangungot, ang kamay na nagpapakain sa kaniya, at ang balikat na iniyakan nito sa gitna ng kadiliman.Ngunit sa sandaling magtagpo ang liwanag at ang kaniyang paningin, hindi si Ria ang kaniyang hinanap.“Javi… anak?” tawag ni Donya Esmeralda, ang kaniyang tinig ay
Last Updated : 2026-01-03 Read more