Nanlalamig ang mga kamay ni Javier habang hawak ang litrato. Ang boses ni Clarisse na kanina pa nagsasalita sa kaniyang tabi ay tila naging malabong ugong na lamang sa kaniyang pandinig. Ang mensahe sa likod ng litrato ay tila isang sumbat na tumatagos sa kaniyang kaluluwa. “Para sa gabing nalaman kong may buhay na sa loob ko. Sana, pagdilat mo, makilala mo kami.” “Javi? Hey, are you listening? Sabi ko, kailangan nating palitan ang furniture sa living room. Ang pangit na ng mga ito, masyadong luma,” sabi ni Clarisse, sabay hablot sa litratong hawak ni Javi. Nang makita ni Clarisse ang litrato, bigla itong namutla. Mabilis niyang ibinalik ang litrato sa ibabaw ng mesa. “Ano ba ’yan, Javi? Bakit ka pa nagtatago ng mga basura ni Maria? Itapon mo na ’yan.” “Basura?” bulong ni Javi, ang kaniyang boses ay puno ng pait. “Clarisse, binasa mo ba ang nakasulat sa likod?” “Hindi! At wala akong pakialam! Sinungaling ang
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-06 อ่านเพิ่มเติม