AYA’S POV Pangatlong araw na namin dito sa penthouse. Akala ko nung una, masasanay din ako, pero habang tumatagal, parang mas sumasikip yung paligid ko. Nagising ako na wala na naman si Lucius sa tabi ko. Paglabas ko ng kwarto, ang daming tao. Hindi lang basta tao—mga bodyguard na naka-suit, nakatayo sa bawat kanto ng sala, sa tapat ng elevator, pati sa may hallway papuntang kusina. Lahat sila may earpiece at ang seryoso ng mga awra nila. Parang hindi na bahay 'to. Parang naging command center na. "Ma'am, kailangan niyo po ng almusal?" tanong nung isang bodyguard na halos kasing-laki ng pinto. "Hindi, okay lang. Magluluto na lang ako," sagot ko. Pero nung papunta na ako sa ref, sumunod siya. Huminto siya mga tatlong hakbang sa likuran ko. "Kahit sa kusina, kailangang may nakabantay?" lumingon ako sa kaniya, medyo naiirita na. "Order po ni Sir Lucius, Ma'am. Huwag daw po kayong iiwan mag-isa kahit isang segundo." Huminga ako nang malalim. Kinuha ko yung gatas at cereal
Read more