AYA’S POV Maaga pa lang, gising na si Lucius. Pero imbes na naka-suit siya para sa board meeting, nakita ko siyang nakatayo sa may dining table, may hawak na folder at isang maliit na box na nakabalot sa velvet. Walang bodyguard sa loob ng sala ngayon, pinapalayo niya muna sila sa hallway. “Aya, halika rito. May kailangan tayong pag-usapan. Seryoso ’to,” sabi niya. Lumapit ako, medyo kinakabahan. “Ano ’yun? Tungkol ba sa banta kahapon? May nangyari ba?” “Wala. I mean, meron, pero hindi tungkol sa kalaban,” naupo siya at pinatabi ako sa kaniya. Binuksan niya ang folder. “Nag-usap kami ng lawyers ko kagabi. Sa sitwasyon natin ngayon, masyadong vulnerable ang position mo. Kung may mangyari sa akin, o kung gamitin nila ang batas laban sa’yo, wala akong legal na hawak para protektahan ka 100%.” “Hindi ko maintindihan, Lucius. Anong legal na hawak?” “Legal standing, Aya. Bilang girlfriend, sa mata ng batas at ng kumpanya, wala kang say. Pero kung… kung may mas malalim tayong kon
Read more