FERLYHindi ko maalis ang tingin ko kay Mama.Ilang araw kong hinintay na kausapin niya ako. Ilang beses din akong sumubok na lumapit sa kaniya, pero lagi niya akong iniiwasan.Kaya ngayong narinig kong ipinagtatanggol niya kami ni Jyrone, hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang pag-iyak.“Ma…” Mahina ko siyang tawag.Napatingin siya sa akin. Namumula ang mga mata niya, at bakas pa rin sa mukha ang sakit na dulot ng pagkawala ni Lola.“Halika rito, Ferly.”Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya, pero bago pa ako tuluyang makayakap, muli siyang nagsalita.“Umuwi ka muna at magpahinga.”Napatigil ako.Akala ko, mayayakap ko na siya. Sa wakas, mararamdaman ko na naman ang pagmamahal niya.Pero pinauuwi niya ako. Para magpahinga? O talagang ayaw pa rin niyang makasama ako?Nilunok ko ang pait na nararamdaman ko.“Ma, kaya ko pa naman po. Ayokong iwan kayo rito.”“Kaya? Tingnan mo nga ang sarili mo. Halos hindi ka na makatayo nang maayos. Ilang araw ka nang h
Last Updated : 2026-11-04 Read more