JyroneHindi ako mapakali buong araw.Kaharap ko nga ang telebisyon, parang nag-e-enjoy sa pinapanood, pero ang totoo, wala roon ang isip ko. Hindi ko nga alam kung ilang beses ko nang tinapik ang dibdib ko; ilang beses na rin akong uminom ng tubig. Sandali lang gumagaan ang pakiramdam ko, pero wala rin.Hindi pa rin naaalis ang bigat. Ang sikip pa rin ng dibdib ko. Ang hirap huminga.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang boses ni Papa. Ang paraan ng pagsabi niya, hindi galit, pero mas mabigat. Mas bumaon sa puso ko.Find the courage.Napapapikit ako. Kasunod kasi niyon ang imahe ni Mama. Kung paano siya ngumiti kanina, kung paano niya ako niyakap, na parang wala siyang kahit anong duda sa akin.Parang walang mali.“Jyrone…”Napamulat ako at napatingin kay Ferly na nasa tabi ko lang, pero hindi ko ramdam kanina.Tahimik lang siya, pero halata sa mga mata niya na matagal na niya akong pinagmamasdan.“Are you okay?”Mabilis akong tumango kahit hindi naman totoo. “Yeah. I’m fine.”Hind
더 보기